Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ipinagbubuntis ni Mariel, tinawag na Showtime Baby ni Robin

00 fact sheet reggeeTATLONG buwang buntis si Mariel Rodriguez-Padilla base sa mensahe niya sa amin noong Sabado bago niya i-announce sa It’s Showtime.

Post ng Misis ni Robin Padilla sa kanyang Instagram noong Sabado, “thank you showtime family!!!!!!! we are going to have a baby!!!!! I’m pregnant!!!! pls include us in your prayers!!!!!! thaaaaaaank you”

Tinanong namin si Mariel habang umeere ang Showtime kung ilang buwan na ang dinadala niya, “3 months, thanks, Regg.”

Samantala, nag-post naman si Robin sa kanyang IG noong Sabado rin habang nasa Showtime siya.

“Bismillah Ano nga ba ang masasabi ko? Siguro unahin ko muna sa inyong lahat. Nais ko magpasalamat sa lahat ng host, staff crew at audience ng Showtime sa pagbibigay ng kaligayahan sa aking Mariel. Dumating kayo sa buhay niya sa oras ng kanyang matinding kalungkutan.

“Naging kayo ang naging hudyat para harapin niya ang umaga ng may ngiti at pag asa, araw araw ala-6 pa lang ready na siyang maging host niyo, kaibigan at kapamilya .Nagsilbi po kayong milagro sa kanya sapagkat ang katotohanan po ay nagkaroon ng posibilidad na hindi na siya magkaroon ng supling.

“Tunay po na nabuntis si Mariel dahil sa Showtime, naramdaman n’ya po ang pag aalaga niyo sa kanya, si Insan Amy (Castillo) na laging may lutong pagkain para sa kanya, si Vice (Ganda) na laging nagpo protekta sa kanya, si Vhong (Navarro) na lagi pinapa-alala ang boses ko, si Billy (Crawford) na nagbigay ng ibat-ibang kulay sa amin, si Anne (Curtis) at Karylle (Yuzon) na naging mapagbigay sa kanya , si Jugz at Teddy sa pag alalay sa kanya , sa lahat ng staff at crew na umaalalay sa maselan niyang pagbubuntis at kay Direk na in-exempt muna sa kanya kapag may principals office at higit sa lahat sa inyo madlang people sa paniniwala sa aking Mariel.

“To make the story short , kayo pong lahat ang nagpupuno ng aking mga pagkukulang sa aking asawa at magiging anak. Kayo pong lahat ang tumayong ama sa oras ng akoy abala sa rebolusyon.

“Hindi ko po aangkinin na ang batang ito ay anak ko lamang sapagkat ang partisipasyon ko sa kanya ay sa sarap lamang, kayo pong lahat ang kasama ng aking Mariel sa kanyang mga sakripisyo sa pagbubuntis na ito kayat mas mamarapatin kong tawagin ang batang ito na Showtime Baby. Muli po tanggapin niyo po lahat ang aking malalim na pasasalamat.”

At dahil Showtime Baby ang tawag ni Robin sa magiging anak nila ni Mariel ay curious kami kung ano ang ipapangalan niya sa bagets.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …