Sunday , December 22 2024

Journalists ‘wag idamay sa May 9 political battle – NUJP

NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang grupong National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) kaugnay sa nararanasang harassment ng mga mamamahayag mula sa mga supporter ni Partido Demokratiko ng Pilipinas – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) presidential bet Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ayon sa NUJP, maaaring ang halalan ngayong taon ang may pinakamatinding emosyon sa kasaysayan. Nauunawaan nila ito, at hinahangaan ang nararamdaman ng mga tao sa kanilang pagpili sa susunod na magiging lider ng bansa sa susunod na anim na taon.

Anila, nababahala sila sa inilalabas na galit ng mga indibidwal na magkakaiba ang pananaw sa politika, at laban sa mga journalist na hindi nagugustuhan ng ilang kampo ang mga iniuulat dahil umaasa silang maaaring makatulong sa kanila ang kanilang mapipiling kandidato.

Sinabi ng NUJP, sa kanilang pagsubaybay sa nararanasan ng mga kapwa mamamahayag sa campaign trail, may mga naganap  na harassment na anila’y kagagawan ng mga tagasuporta ni Duterte.

Binanggit ng NUJP ang ilang insidenteng  na-harass ang mga mamamahayag katulad ng naganap kay Vera Files editor Ellen Tordesillas na na-bully sa social media dahil sa kanyang pagberipika sa pag-iral sa binatikos na BPI bank account ni Duterte.

Tinukoy rin ng grupo ang naganap na ilang beses na harassment kay ABS-CBN reporter Raffy Santos habang sinusundan si Duterte sa campaign trail, dahil sa alegasyong bias ang kanyang pag-uulat.

Anila, si Jacque Manabat ay minura ng isang supporter makaraan tukuyin siya ng isang lalaki bilang reporter ng ABS-CBN.

Binanggit din ng grupo ang naganap na panununtok kay ABS-CBN reporter Doris Bigornia habang nagko-cover.

Nitong Biyernes ng umaga, Mayo 6, may naglatag ng korona ng patay sa labas ng ABS-CBN station sa Davao City na may nakasaad na “RIP ABS-CBN.”

May panawagan din anila sa social media para sa “occupy ABS-CBN” sa lungsod ng Davao at Cagayan de Oro.

Ilang posts anila sa social media nag-uudyok ng galit at pagkamuhi laban sa ABS-CBN reporters.

“While the attacks by Duterte sympathizers against the journalists appear unorganized, spontaneous and bereft of official sanction, we welcome the previous instances when Duterte’s spokesman, Peter Tiu Laviña, called for calm among their supporters. A renewed call may be needed at this point given the already heated atmosphere as we move closer to Election Day, not just from Duterte’s camp but from those of other candidates, as well, since we cannot discount the possibility of rival operators exploiting the situation for their own ends,” pahayag ng NUJP.

Umaasa ang grupo na ang nasabing panawagan na maging mahinahon ay magpapahupa sa tensiyon na kinakaharap ng mga mamamahayag partikular ang mga reporter ng ABS-CBN sa kanilang pag-cover sa magaganap na halalan at hindi sila makaranas ng pananakit.

“It is important that journalists are not hindered by threats in carrying out the work that they do because our people deserve quality information at this crucial period of our country’s history so that they are able to decide better in the ballot,” pahayag ng grupo.

Anila, batid nilang ang nagaganap na harassment laban sa ABS-CBN reporters and crew ay tumindi makaraan iire ng broadcast company ang paid advertisement na naglabas ng negatibong campaign message laban kay Mayor Duterte.

Ngunit dapat anilang maunawaan ng mga supporter na ang ad ay inere base sa commercial consideration at walang kinalaman sa journalistic mission ng ABS-CBN.

Ang nasabing negative campaigning ay lalo pang nagpainit sa tumitinding diskusyon sa social media kaugnay sa sinasabing planong pagdaya sa resulta ng halalan at posibleng umagaw sa tagumpay ni Duterte. Maaari rin anilang maghupa ito sa tensiyon kung ang iba pang kandidato sa pagkapangulo ay mangangakong hindi sila gagawa ng ano mang manipulasyon para manalo sa halalan.

“We express concern over the safety and security of our colleagues in the provinces, especially those in areas dubbed as election hotspots, who will be covering the poll conduct. We understand that they are under extremely dangerous situations especially in their effort to uncover the poll manipulations which to this day has refused to leave our electoral system despite the adoption of automated vote counting.”

“We urge our colleagues to adhere to the tenets of safety and security in going about our work of chronicling the 2016 political exercise,” ayon sa NUJP.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *