Friday , November 22 2024

Duterte duwag traidor (17 bank accounts buksan, Kapag hindi lumaban sa hamon ng GPPM)

HINAMON ng Grace Poe for President Movement (GPPM) – Cebu Chapter / ACT-CIS Party-list Regional Coordinator – Visayas si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na buksan ang lahat ng kanyang 17 bank accounts kabilang ang kanyang dollar deposits at sumunod sa ginawang pagpapahintulot ni Senadora Grace Poe makaraang pumirma sa bank waiver upang magkaroon ng linaw at mawala ang pagdududa ng taumbayan.

“Hinahamon namin si Duterte dahil nag-isyu na ng waiver ang aming presidential candidate na si Grace Poe na maaari nang buksan ang kanyang bank accounts bilang tapat na pagpapakita ng transparency and honesty,” ayon kay Pastor Jun Maternal, Spokesperson ng Grace Poe for President Movement – Cebu Chapter.

“Binibigyan lamang namin si Duterte hanggang Biyernes, Mayo 6, upang makita ng taumbayan ang transaction history ng kanyang 17 bank accounts, kasama ang kanyang dollar deposits,” dagdag ng spokesperson.

Iginiit ni Maternal, bunga ng gagawing pagbubukas ng bank history ni Duterte na kayang-kayang gawin ng isang simpleng tao, mapapatunayan ni Duterte kung totoo ang mga sinasabi niya na mahirap lamang siya.

“Kung mapapatunayan talaga ni Duterte na tapat at malinis ang transaction history ng lahat ng kanyang bank accounts at mapapatotohanan niyang wala siyang ill-gotten wealth, tahasan naming tatalikuran si Grace Poe at susuportahan ang kanyang kandidatura patungo sa Malacañang. Papalitan namin ang aming headquarters mula kay Poe para kay Duterte sa sandaling napatunayan niya na mali ang aming ginawang paghahamon. At susundan pa ito ng lahat ng aming GP headquarters sa buong bansa,” matigas na sinabi ng pastor.

Kasabay nito, hinimok din ni Maternal ang lahat ng GPPM chapters sa buong bansa na makiisa sa kanilang Cebu chapter sa paggawa ng makasaysayang aksiyon laban kay Duterte.

“Hihintayin namin si Duterte na buksan ang lahat ng kanyang bank transaction records hanggang sa huling banking hours sa Biyernes. Kung mabibigo siyang gawin ang aming hamon, magkakasa kami ng matinding aksiyon at paiigtingin pa ang aming pakikipaglaban sa grabeng korupsiyon ni Duterte,” anang spokesperson.

“Ang hindi niya pagtugon sa aming hamon ng katapatan ay magpapatunay lamang na corrupt siya sa aming paningin at isang duwag at traidor sa pagtitiwala sa kanya ng mamamayang Filipino,” pagwawakas ni Maternal.

About jsy publishing

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *