Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bagong format ng Happy Truck Happinas, pinalagan nina Ogie at Janno

00 fact sheet reggeeMATULOY kaya ang taping ngayong araw, Linggo ng programang Happy Truck Happinas para sa unang episode nila para sa bagong format na gag show?

Balita kasing hindi type nina Ogie Alcasid at Janno Gibbs ang bagong format ng show na mapapanood na tuwing Biyernes, 9:30 p.m. na makakatapat naman ng Bubble Gang.

Sa pagkakatanda namin ay galing ng Bubble Gang si Ogie at kung tama rin ang tanda namin ay nakakapag-guest si Janno sa nasabing gag show ng GMA 7 bukod pa sa kaibigan nila si Michael V na nananatiling loyal sa Kapuso Network.

Dagdag pa na nagkaroon daw ng emergency meeting ang ilang production staff at hosts noong Biyernes ng gabi para pag-usapan na hindi nila gusto ang bagong format ng Happy Truck Happinas.

Bukod dito ay hanggang Agosto 2016 na lang pala ang kontrata ni Ogie sa TV5.  Magre-renew ba siya o babalik ng GMA o baka naman go na siya sa ABS-CBN?

Samantala, huling apat na taping days na lang pala ang show na mapapanood sa buong buwan ng Mayo.   Akala ba namin ay hindi na ito tatanggalin kapag nag-rate?

Anyway, abangan ngayong araw kung natuloy ang taping o hindi.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …