Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

4 new guinness records ng INC

PUMASOK muli sa talaan ng Guinness World Records ang Iglesia Ni Cristo (INC) matapos gawin ang makasaysayang “Aid to Humanity” na may temang “Labanan ang Kahirapan” outreach at charity event nitong nakaraang Biyernes, Abril 29 sa Tondo.

Sinertipikahan ng mga representante ng Guinness na naroon mismo, ang apat na bagong world records na nakamit ng INC.

Ito ang pinakamaraming donasyong damit, pinakamaraming sapatos na naipamigay din sa loob ng 24-oras, pinakamaraming ultrasound examination sa loob ng walong oras, at pinakaraming medical risk assessment sa parehong panahon.

Ang naturang “Aid to Humanity,” na kilala rin sa tawag na Lingap sa Mamamayan, ay nakapagbigay ng 200,000 goodie bags, 17,526 libreng pares ng sapatos at 241,200 piraso ng malinis na “used clothing.”

Nagawa rin ang “most number of medical risk assessments” sa bilang na 4,784.Umbot sa 7,000 ang bagong record para sa “most ultrasound examinations.” Parehong binilang ang record sa loob ng walong oras.

Nabanggit ng mga kinatawan ng Guinness na ito ang unang pagkakataon na nagkamit ng ganoon karaming record ang isang organisasyon sa loob ng isang araw.

Nagpasalamat si INC General Auditor Glicerio B. Santos Jr., sa naging tagumpay ng Lingap, at sinabing “Masaya at proud kami sa bagong world records, pero mas importante ang oportunidad na ibinigay sa amin para makapagsilbi sa mga kapatid nating nangangailangan, miyembro man ng Iglesia o hindi.”

Nangako si Santos na ang INC sa pamumuno ni Executive Minister Eduardo V. Manalo ay patuloy na mag-oorganisa ng iba pang outreach and evangelical activities buong taon, sa ilalim ng Felix Y. Manalo Foundation.

“Sa totoo lang, sa Tondo nakamit ng INC ang mga una nitong Guinness world records sa isa ring “Aid for Humanity” o “Lingap sa Mamamayan” event noong July 7, 2012. Nakagawa tayo ng world record noon para sa “largest dental health check,” “biggest number of blood pressure readings” sa loob ng walong oras at “most numerous blood glucose level (BGL) tests,” sa loob ng otso-oras din,” banggit ni Santos.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 18 Guinness World Records ang INC.

Hawak ng Iglesia ang mga record para sa “largest charity walk done within 24 hours in multiple venues,” “largest charity walk in a single venue,” “most number of hunger relief packages distributed in eight hours in a single venue,” “largest mixed-use indoor theater” para sa Philippine Arena na kakasya ang 55,000 katao, “largest gospel choir during a worship service,” pati na rin tatlong Guinness records kaugnay ng pelikulang “Felix Manalo” na umani ng parangal noong isang taon, at tatlo pang Guinness records para sa 2016 New Year’s celebration na ginanap sa Philippine Arena.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …