I-FLEX
ni Jun Nardo
DINAYO raw ng mga unknown content creators ang nagyaring kasal ng isang celebrity sa non-showbiz wife niya ayon sa kaibigang nakabungguan ang male celeb.
Hindi makapaniwala ang celeb sa gate crashers na dumayo sa simbahan na para bang invited sila.
Nahiya siyempre ang celeb sa mga bisita na hindi naman showbiz! Kaya naman may kumausap na sa mga ito para sabihan na private ang affair kaya sinabing tigilan na ang ginagawa sa chuch.
Umalis naman ang mga ito na gagawin ang lahat for the content kahit mang-gate crash sa private event.
Eh kumalat kasi sa social media ang wedding kaya sinamantala ito ng makakapal ang mukha!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com