SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
MATAPOS ang roller coaster experience ng Kapamilya Big Four sa apat na buwang pananatili sa loob ng Bahay ni Kuya, ibinahagi nila ito sa Star Magic Spotlight Presscon kamakailan.
Nagbalik-tanaw ang fourth placer na si Miguel Vergara sa kung paano naging turning point ang PBB para mas makilala siya ng publiko.
“Matagal na po ako sa industriya so, ang nakikita lang po nila is ‘yung mga show ko po. ‘Yung mga character ko po, but now po siguro po noong pagpasok ko ng PBB, ang gusto ko pong makita nila sakin ay si ‘Miguel’ naman,” pahayag ng batang aktor.
Naging memorable naman para sa third placer na si Joaquin Arce ang journey sa loob ng Bahay ni Kuya. Sabi niya, “PBB really teaches you to appreciate ‘yung mga bagay na mayroon ka… that’s actually one of the valuable lessons na I learned—na you should really appreciate every single little thing, “
Ibinahagi naman ng second big placer na si Krystal Mejes ang overwhelming na realization pagkatapos ng Big Night.
“Ako po pag-uwi ko ng bahay after big night nag-phone po ako. After ko pong kausapin ‘yung family ko nag-scroll po ako tapos ‘di po ako nakatulog… may time na nakatulala lang po ako because I was trying to process everything, because it was so overwhelming,” pag-amin ni Krystal.
Para naman sa Big Winner na si Lella Ford, naging overwhelming sa magandang paraan—mga bagay na hindi niya in-expect pero buong puso niyang tinanggap.
“Ang dream ko po talaga ay maging isang mahusay na actress,” ani niya. Para sa kanya, ang PBB journey ay hindi lang simula, kundi isang stepping stone para mas makilala pa siya ng mga tao bilang si Lella Ford at hindi lang bilang anak ni Karla Estrada at kapatid ni Daniel Padilla.
Ngayon na nasa outside world na ang mga former housemate, nananatili ang samahan at closeness na nabuo nila sa loob ng Bahay Ni Kuya.
“Everytime na nagkikita kami it’s just so fun talaga kasi we’re used to being with each other po 24/7 inside the house and then now doon lang po talaga kami naghiwalay. It was so good seeing everyone,”bahagi pa ni Lella.
Abangan ang kabi-kabilang oportunidad at exciting na mga proyekto nina Miguel, Joaquin, Krystal, at Lella sa ABS-CBN.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com