MA at PA
ni Rommel Placente
PANGARAP pala noong bata pa lang ng aktres-TV host-content creator, at live seller na si Dianne Medina na maging Chief Executive Officer o CEO ng sarili niyang kompanya.
At natupad na ang pangarap niyang iyon. Noong March 21, Saturday, pormal na inilunsad ang DM Studios na pag-aari ni Dianne para sa sarili niyang Live Commerce at Creator Agency.
Kasama niya sa kimpanya ang mister na si Rodjun Cruz bilang Vice President for Marketing at PR, at ang pinsang buo, ang beauty queen na si Maxine Medina bilang VP for Sales.
Ipinaliwanag ni Dianne kung ano ang goals and missions ng DM Studios.
Aniya, “It’s a live-selling agency, a live commerce platform wherein we help brands, audiences and of course celebrity influencers also. So, basically, we mount live streams into high converting live selling.”
May kasabihan na nagkakaroon ng hindi pagkakasundo kapag magkakapamilya ang magkakasama pagdating sa negosyo. Kanya-kanya kasing estilo iyon.
Pero paliwanag ni Dianne tungkol dito, “I guess the advantage would be we know each other really well, and alam na namin ‘yung foundation ng live selling.
“‘Yun kasing dynamics namin we share the same values and goals.
“So hindi na ako nagdalawang-isip na isama ang family members and the team na kasama po namin at pare-pareho kaming may assignments,” aniya pa.
Samanta, ayon kay Rodjun, hindi dapat ikahiya ang pagiging online seller dahil hindi ito madaling trabaho.
“Proud live seller po ako kasi hard work po ‘yan, eh, marangal na trabaho. And hindi totoo na ‘pag nagla-live ka, wala ka nang trabaho, laos ka na, hindi po.
“May mga project pa po tayo. Kaka-champion lang po natin sa ‘Stars on the Floor,’ may serye po tayong ginagawa and proud po ako rito kasi po ‘yung team namin, lahat po ‘yan, nagwo-work for their families,” paliwanag pa ng aktor.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com