Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Wilbert Tolentino PCU

Wilbert Tolentino gumradweyt sa edad 50: It’s never too late to learn

WALANG pinipiling edad ang edukasyon. Ito ang pinatunayan ng influencer, businessman, at talent manager na si Wilbert Tolentino.

Sa edad 50, natupad ni Wilbert ang isa sa matagal na niyang pangarap—ang makapagtapos ng kolehiyo.

Nakuha niya ang Bachelor of Science in Office Administration degree mula sa Philippine Christian University (PCU), bilang bahagi ng Batch 2026.

Para sa marami, maaaring magtaka kung bakit ngayon lamang niya natapos ang kolehiyo.

Ayon kay Tolentino, ang kanyang buhay ay puno ng pagsubok mula pa noong kabataan.

The truth is, I come from a broken family. At 14 years old, I had to stop studying and start working just to survive,” anang negosyante.

Sa murang edad, napasok siya sa iba’t ibang trabaho—mula sa printing press helper hanggang sa cleaner—para matustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan.

Life was never easy, but I refused to give up,” sabi pa ni Wilbert.

Kalaunan ay naging all-around employee siya sa isang maliit na grocery store sa kanilang komunidad.

Sa edad 18, naglakas-loob siyang magtayo ng sariling negosyo, kahit walang college diploma at pormal na edukasyon.

Being a young entrepreneur without a college degree and proper education was very challenging,”pagbabalik-tanaw ni Tolentino. “I had limited funds, struggled with operational expenses like payroll and rent, and at the same time I was providing for my months-old daughter.”

Sa halip na panghinaan ng loob, ginawa niya itong inspirasyon upang mas magsikap.

But those heavy responsibilities did not break me — they fueled me to work even harder,” giit pa ng influencer.

Isa sa mga ipinagmamalaki ni Tolentino ay ang kanyang matibay na samahan sa kanyang mga empleado, na kasama niya sa pagbuo ng kanyang negosyo sa loob ng halos tatlong dekada.

Through the years, they became more than my staff. They became my business partners, my travel companions, and my family,” wika ni Tolentino. “For almost three decades now, we have stood side by side. I never discriminated them. What I eat, they also eat. What I earn, we celebrate together.”

Ayon pa sa talent manager, marami sa kanila ay tulad din niya na walang diploma o titulo, ngunit pinanghawakan nila ang sipag, tiyaga, at determinasyon para umangat sa buhay.

Sa kabila ng kanyang mga tagumpay sa negosyo at social media, may isang pangarap pa rin na nais matupad si Tolentino—ang makapagsuot ng toga at makatanggap ng diploma.

Now that I have reached my golden years, I have checked almost everything off my bucket list,” sabi pa ni Tolentino.

But one dream remained — to earn my diploma and wear my toga. And now, I’ve finally done it.

I firmly believe that age is never a hindrance to learning. It is never too late to finish what you started,” giit pa ni Wilbert.

Mas naging makahulugan ang pagtatapos ni Tolentino dahil isa rin siyang single parent sa kanyang 8-year-old son na may special needs.

Para sa kanya, ang diploma ay hindi lamang personal na tagumpay kundi isang halimbawa para sa kanyang anak.

It means showing my son that perseverance, education, and determination can open doors — no matter what obstacles you face,” sambit pa.

Nagbigay din si Wilbert ng mensahe sa Gen Z at Gen Alpha.

I hope my story reminds you that success is not about how fast you finish, but how determined you are to keep going.

“Be diligent. Stay committed. Chase your dreams relentlessly,” anang negosyante at influencer.

Bagamat matagumpay, hindi nakakalimutan ni Wilbert na magpasalamat sa mga taong tumulong sa kanya upang maabot ang milestone na ito.

Kabilang dito si Miss Lilibet Amatong, na tinatawag niyang “Mommy Teacher” at mentor. Gayundin sina Teacher Melody Llona, ang kanyang Home Study Instructor, at Professor Bong Escobedo ng PCU Escobedo Extension sa kanilang gabay at pasensya.

Nagpaabot din siya ng taos-pusong pasasalamat kay Mommy Susan Rogacion ng Nazareth Institute of Alfonso para sa patuloy na suporta at pagmamalasakit.

Hindi rin nakalimutan ni Tolentino ang kanyang pamilya—ang kanyang mga kapatid na sina William, Wilson, at Willy, gayundin ang kanyang mga hipag, pamangkin, at mga mahal sa buhay.

Iniaalay din niya ang tagumpay na ito sa kanyang 86-anyos na ina at sa kanyang yumaong ama.

This achievement is dedicated to both of you. Everything I have accomplished is because of the values, strength, and love you instilled in me,” ani Tolentino.

Isang espesyal na mensahe rin ang ibinahagi niya sa kanyang anak na si Willard King Tolentino.

Being a single father has not always been easy. But I want you to know that with dedication, hard work, and perseverance, everything is possible.”

Nagpapasalamat din siya sa kanyang supporters, followers, subscribers, at online community na patuloy na sumusuporta sa kanya.

Thank you from the bottom of my heart. This milestone is not the end of my journey. I will continue striving for more,” aniya.

Sa kabilang banda, plano rin ni Wilbert na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral upang makamit ang master’s degree sa hinaharap.

Binati rin niya ang kanyang mga batchmate kabilang sina Geneva Cruz, Rico Almonicar, at Sachzna Laparan, pati na ang buong komunidad ng Philippine Christian University.

Together, we dreamed big and made our mark on the world,” aniya.

Congratulations to all of us. We did it.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mama Emma Janna Chu Chu

Mama Emma, Jana Chu Chu wagi sa Dangal ng Pinas 2026!

MATABILni John Fontanilla PASASALAMAT ang gustong iparating ng Barangay LSFM 97.1 DJ na si Mama Emma sa pamunuan ng Dangal …

 Joel Lamangan All About Her

Direk Joel sa pagdidirehe ni Coco—May mata siya, marunong mag-position ng camera

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISA sa magagaling na direktor si Joel Lamangan kaya naurirat namin ito ukol …

Ji Chang-wook Kumusta

Ji Chang-wook bibida sa South Korean-Filipino Culinary Series’ Kumusta 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INTERESTING. Bago. Kakaiba. Nakatutuwa. Ito ang naramdaman namin habang pinanonood ang …

Virginia Rodriguez Leave Nobody Hungry Foundation

Ms. Virginia Rodriguez, nakatutok sa Leave Nobody Hungry Foundation

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO si Ms. Virginia Rodriguez – president at chairperson ng …

Tuesday Vargas

Tuesday Vargas talento ibinabahagi habang naglalayag sa dagat

HARD TALKni Pilar Mateo MUKHANG umiingay ngayon ang sea cruises. O paglalayag sa dagat. Napakarami …