SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
SINALUNGAT ng mga bida ng All About Her, entry ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo sa Sinag Maynila 2026 ang naging pahayag o paniniwala ni Alvin Aragon ukol sa tamang pananamit ng mga babae para igalang.
Tinuran kamakailan ni Alvin na nasa pananamit ng mga babae kung bakit nakararanas ang mga ito ng panghaharas sa mga kalalakihan.
At dahil hot topic ang usaping ito, natanong ang mga gumaganap sa All About Her ukol dito.
“I think that women have the right to wear whatever they feel beautiful in. ‘Yun lang ‘yun. No one should be disrespected.
“Everybody has the right to express themselves. Regardless of the way you dress, no one deserves to feel disrespected,” ani Tony Labrusca.
Palaban din ang sagot ni Yuki Sonoda, aniya, “Just because a woman wears something sexy doesn’t mean that you’ll disrespect them. I think women should wear anything they want.”
“In a perfect world, you can wear whatever you want, and people won’t disrespect you.
“They won’t check you out and wolf whistle, but it’s not a perfect world. From my experience as a woman who does modeling, my physical appearance is related to my job,” sabi naman ni Kelley Day na katulad ni Yuki, gumaganap silang beauty queen sa pelikula.
“I learned that for this event, I don’t want to attract certain people. I should not make it look too attractive.
“I’m not condoning treating women disrespectfully because of what they’re wearing, but I think we can protect ourselves by making the right choices about what we wear,” dagdag pa ni Kelley.
Mataray naman ang naging tugon ng direktor ng pelikula, si direk Joel Lamangan. Anang premyadong direktoe, “Pakialam naman natin anong gusto niyang isuot? Problema lang natin ‘yun kung nakaiinsulto na.
“Pero kung hindi naman, wala tayong pakialam. Maiinsulto ako kung naka-bikini ang mamamalengke. Kaya ako, wala akong pakialam.”
Sagot naman ni Quinn Carillo, isa rin sa kasamang gumaganap sa pelikula, “Kapag nagsalita ako about this issue baka abutin tayo bukas. But I’m gonna make it short, please don’t blame our clothes for your poor upbringing.”
Samantala, ang All About Her ay ukol sa isang beauty queen na natagpuang patay ng kanyang best friend.
Dito magsisimula ang mga twist and turns ng istorya, kabilang na ang ilang mga nakaloloka at shocking na nangyayari sa mga beauty pageant.
Kasama rin sa pelikula sina Itan Rosales, Marco Gomez, Angelica Cervantes, Pancho Magno, at Jim Pebanco.
Magkakaroon ito ng gala premiere sa March 23, 5:00 p.m. sa Gateway Cinema 17. Mapapanood ang All About Her sa Gateway Cinemas (Cubao, Quezon City), Eastwood Cinemas (Libis, QC), Uptown Cinemas (BGC, Taguig City), Venice Cineplex (McKinley Hill, Taguig City), at Lucky Chinatown Cinemas (Binondo, Manila).
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com