Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jo-Ann Maglipon Ricky Lee

Jo-Ann Maglipon inilunsad SINE. PELIKULA. FILM; Ricky Lee inintriga

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

ALIW na aliw ang karamihan sa mga dumalo sa paglulunsad ng SINE. PELIKULA. FILM: The 100+ Greatest Films of Philippine Cinemani Jo-Ann Q. Maglipon dahil sa isinagawang tanungan-sagutan nila ng National Artists for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee.

Ang SINE. PELIKULA. FILM ay akda ni Maglipon na may collaboration kay Joel DavidIsinagawa ang paglulunsad noongMarch 15, sa Philippine Book Festival sa SM Megamall, Megatrade Hall Meeting Rm. B., Umpukan Mini Stage.

Usapin ukol sa pelikula ang nilalaman ng libro kaya naman tulad ng tinuran ni Ms Jo-Ann pinakamagandang maimbitahan o maging special guest ang pinakamaraming naisulat na kwento ng pelikula (200 o higit pa), ang isang Ricky Lee.

Tila iginisa ni Ms Jo-Ann si Mr Ricky na sa bawat ibinabatong tanong ay matapat namang sinasagot ng national artists.

Isa sa maintrigang tanong ni Ms Jo-Ann kay Mr Ricky ay paano kung hindi nagtatama ang collab nito sa mga direktor? 

Sagot ni Mr Ricky, “nagdadasal na lamang ako.”

“‘Yung iba iniiwasan ko nang makatrabaho, kasi kung minsan hindi yata niya nasakyan iyong gusto kong sabihin. Medyo literal yata iyong interpretasyon niya.

“Hindi niya yata nakita iyong loob ng kwento. Mayroong ganoon. Pero bihira eh, I’m a very open person, I get along with everybody.

“I’ve worked with action directors, comedy directors, everybody eh.

“Sa almost 200 kong produced scripts nakatrabaho ko na yatang lahat. Wala naman akong nakaaway,” pagbabahagi pa ni Mr. Lee.

Ang librong inilimbag ng Summit Books ay may 300 pahina na tinipon ang ilang dekadang mahahalagang pelikula.

Tampok sa libro ang 127 synopses at mga review ng pinakamahusay na pelikula. Isang malawak na hanay ng mga pelikula na ipinalabas sa mga sinehan mula 1937 hanggang 2020, na available pa rin para mapanood.

Kasama rito ang pelikula ni Lino Brocka, ang Maynila sa Kuko ng Liwanag at ang kayIshmael Bernalna Manila By Night; ang independent gems tulad ni Kidlat Tahimik, ang Mababangong Bangungot at ang kay Arnel Barbarona, ang Tu Pug Imatuy[The Right to Kill]Nasa libro rin ang blockbuster na pelikula ni Ronwaldo Reyes na Ang Pandayat Heneral Luna niJerrold Tarog gayundin ang nakalilimutang magandang pelikula ni Gerardo de Leon, na El Filibusterismo  at ang kay Gregorio Fernandez na Malvarosaat ang popular rom-coms ni Antoinette JadaoneThat Thing Called Tadhana at ang kay Cathy Garcia-Molina na One More Chance gayundin ang old at new comedies ni Mar S. Torres na Jack and Jill at ang kay Jade Castro na Zombadings: Patayin sa Shokot si Remington.


Kasama ng mga pelikulang ito ang film bio ng mga direktor na idineklarang National Artists tulad nina Manuel Conde, Eddie Romero, Mike de Leon, at si Da King, Fernando Poe Jr..

We committed to a Greatest Films’ List, not fully understanding that ‘greatest’ was not what we were going for. Certainly not, if listing the greatest meant comparing and ranking, pitting and judging, voting and awarding. We had no taste for going in that direction,” ani Ms Jo-Ann, na sinabing ang paglikha ng film canon ay isang kaso ng “bravura.”

Sinabi nina Jo-Ann at collaborator nitong si David—isang true-blue cinema na may Ph.D. sa mga pag-aaral sa sinehan mula sa New York University—na makagawa ng isang matapat na listahan ng mga pelikulang “kamangha-mangha, iginagalang, at namumukod-tangi.”


At para makausad, si Jo-Ann— na halos dalawang dekada nang namumuno sa pinaka-pangunahing showbiz magazine sa bansa, ang YES!—ay nagbuo ng screening committee, ang YES! staff, na inupuan ng maraming buwan para manood ng mga pelikula, magdiskusyon, at magbotohan.

A List is, of course, never middling stuff,” wika ni Ms Jo-Ann. “It takes study. It means learning. It needs expertise.” 

At iginiit na ang kanyang team ay nasa mabuting kamay dahil ng isangJoel Davidna aniya, “patient guru and generous collaborator.”

Nasabi rin ni Jo-Ann na habang isinusulat ang libro, napagtanto niyang ang pelikula, sa puso nito, ay nananatiling personal.

It is taste. It is exposure. It is age. It is moral grounding. It is class background. It is education. It is time and place. It is country. It is culture. It is emotional makeup. It is IQ. It is bias.

With more than a bit of reverence, we present our List,” ani Jo-Ann, “hoping to get all of you inquiring into our choices and searching them out. As for those among you already more driven, nothing’s to stop you from going loose and curious, plunging in, and making your own exciting cinema list,” dagdag pa ni Ms Jo-Ann.

Mabibili ang SINE. FILM. PELIKULA sa e-commerce at sa mga piling bookstore sa halagang P1,799.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Mama Emma Janna Chu Chu

Mama Emma, Jana Chu Chu wagi sa Dangal ng Pinas 2026!

MATABILni John Fontanilla PASASALAMAT ang gustong iparating ng Barangay LSFM 97.1 DJ na si Mama Emma sa pamunuan ng Dangal …

 Joel Lamangan All About Her

Direk Joel sa pagdidirehe ni Coco—May mata siya, marunong mag-position ng camera

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISA sa magagaling na direktor si Joel Lamangan kaya naurirat namin ito ukol …

Ji Chang-wook Kumusta

Ji Chang-wook bibida sa South Korean-Filipino Culinary Series’ Kumusta 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INTERESTING. Bago. Kakaiba. Nakatutuwa. Ito ang naramdaman namin habang pinanonood ang …

Virginia Rodriguez Leave Nobody Hungry Foundation

Ms. Virginia Rodriguez, nakatutok sa Leave Nobody Hungry Foundation

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO si Ms. Virginia Rodriguez – president at chairperson ng …

Tuesday Vargas

Tuesday Vargas talento ibinabahagi habang naglalayag sa dagat

HARD TALKni Pilar Mateo MUKHANG umiingay ngayon ang sea cruises. O paglalayag sa dagat. Napakarami …