I-FLEX
ni Jun Nardo
MAGING kami ay nagulat nang makita namin na guest sa Family Feud ang actor-politician na si Ervic Vijandre.
Si Ervic ay naging boyfriend ng asawa ni Dingdong Dantes na si Marian Rivera noong panahong wala pa siya sa showbiz.
Face to face nga sa FF sina Dong at Ervic na tumayong leader ng isang kasaling group.
Pareho namang Kapuso artist sina Dong at Ervic kaya ang pagkikita nilang dalawa eh trabaho lang.
Pero ang ibang netizen pilit na ginagawan ng intriga, huh! Mema lang siyempre!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com