Friday , March 20 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
SCO LTFRB A and B Liner

PUV passengers 3 oras pinaghintay, LTFRB nag-isyu ng SCO vs bus company

PINAGPAPALIWANAG ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kasabay ng pagpalabas ng Show Cause Order (SCO) laban sa A&B Liner, Inc. makaraang mag-viral na sapilitang pinaghintay nang mahigit sa tatlong oras ang mga pasahero sa isang terminal sa Muntinlupa City.

Ang hakbangin ng LTFRB na pinamumunuan ni Chairperson Atty. Vigor D Mendoza II, ay bunsod ng viral post ng netizen na si Tino Olivarez patungkol sa pangyayari sa VTX Terminal sa Alabang.

Sa imbestyigasyon, sumakay ang mga pasahero sa bus na biyaheng Lucena bandang 10:00 PM.

Makaraang paulit-ulit na paninigurado ng mga crew na aalis na ang bus at bandang 12:30 ng hating-gabi ay nagsimulang mag-isyu ng tiket ang konduktor.

Matapos ang mahigit tatlong oras na paghihintay dahil hindi pa umaalis ang bus, humiling na ng refund sa pasahe ang nagreklamo ngunit tinanggihan umano ito ng konduktor.

Binatikos ni Chairperson Atty. Mendoza II ang inasal ng bus crew, na inilarawan niya bilang “hindi katanggap-tanggap at mapang-insulto”.

“Lokohan at bastusan ang lengguwaheng alam ng konduktor at driver. Bibigyan natin sila ng leksiyon to send a strong message that this kind of behavior is not tolerated and must be corrected,” pahayag ni Chairperson Mendoza.

Nakasaad sa inilabas na Show Cause Order, ang operator ng bus ay inaatasan na magsumite ng notarized na paliwanag at mayroong 10 araw ang kompanya upang magpaliwanag kung bakit hindi dapat suspendihin o bawiin ang kanilang prangkisa dahil sa kabiguang magbigay nang maayos at maaasahang serbisyo.

Kinakailangang humarap ang mga kinatawan ng bus firm sa LTFRB Central Office para sa pormal na pagdinig na itinakda sa 19 Marso 2026.

Binigyang-diin ni Chairperson Mendoza na bagama’t sinusunod ng Board ang due process, nananatiling matatag ang ahensiya sa panig ng publiko.

Hinimok din niya ang publiko na idokumento at iulat ang kahit anong uri ng pang-aabuso o maling gawain ng mga operator ng Public Utility Vehicle (PUV).

“Nagiging normal ang pang-aabuso at bastos na asal dahil madalas ay nag-aalinlangan ang mga komyuter na lumaban. Hinihimok namin ang ating mga kababayan na iulat ang mga insidenteng gaya nito; kami na ang bahala sa lahat,” dagdag ni Mendoza. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Arrest Shabu

LGU official arestado sa P.1-M ilegal na droga

NADAKIP sa isinagawang joint anti-drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-10) Camiguin Provincial Office …

Dead Road Accident

Sa Cavite
6 sasakyan inararo ng truck, 2 patay

KOMPIRMADONG patay ang dalawang biktima, habang tinitiyak pa ng pulisya kung ilan ang sugatan sa …

DMW Department of Migrant Workers Middle East

Airstrike sa Saudi ipinaskil sa socmed Pinoy inaresto 

ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang inaresto sa Saudi Arabia nang kanyang ipaskil sa social …

SM FTSFI Felicidad Sy Hall

Felicidad Sy Foundation Unveils Digital Transformation Center to Empower Future-Ready Learners

A new chapter in education and opportunity began with the unveiling of the Felicidad Sy …

DOST-NRCP

DOST urges PH researchers toward responsive, cross-sector research

The Department of Science and Technology urged the Filipino research community to commit to a …