Tuesday , February 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
People Power 40 Kick-Off Concert

People Power 40 Kick-Off Concert dinagsa ng mahigit 20,000 katao

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

UMAABOT sa mahigit 20,000 katao ang dumagsa sa Quezon Memorial Circle noong Sabado para sa People Power 40 Kick-Off Concert, na nagsilbing makulay at “groundbreaking” na pagsisimula ng paggunita sa mapayapang rebolusyon na nagpanumbalik ng demokrasya sa Pilipinas.

Batay sa pagtaya ng pamahalaang lungsod ng Quezon City, lumobo sa higit 20,000 ang dumalo sa event na inorganisa ni Mayor Joy Belmonte at ng Mayors for Good Governance (M4GG), kasama sina Senador Bam Aquino at ang Kaya Natin! Movement for Good Governance and Ethical Leadership (KN).

Sa temang Awit at Aksyon Kontra Korapsyon, lumihis ang programa sa tradisyonal na seryosong tono ng mga nakaraang paggunita sa EDSA People Power I. Tampok ang pagtatanghal ng mga mang-aawit, rock bands, rappers, stand-up comedians, at isang dance group — na nagbuklod sa iba’t ibang henerasyon at nag-ugnay sa lahat ng manonood.

Binuksan ng acoustic icon na si Ice Seguerra ang concert sa kanyang emosyonal na pag-awit ng Bayan Ko na isinulat noong 1928 sa panahon ng pakikibaka ng bansa laban sa mga Amerikanong mananakop. Nagsilbing backdrop ang light show sa Quezon Memorial Circle pylon habang inaawit ang kanta.

Mag-iisang daang taon na, kinakanta pa rin natin siya. At nalulungkot po akong kinakanta pa rin natin siya. At ang hirap kasi, noong isinulat ang awit na ‘yun, malinaw kung [sino] ang kalaban natin. Pero ngayon mas mahirap dahil, sariling lahi natin ang tumatarantado sa ating lahat,” ani Seguerra.

Nagbigay-pugay sina Elmo at Arkin Magalona sa alaala ng kanilang amang si Francis Magalona sa pamamagitan ng pag-awit ng ilan sa kanyang mga kilalang kanta na nagbigay sa kanya ng titulong King of Rap kabilang ang 1-800-Ninety-Six, Kaleidoscope World, at ang crowd-favorite na Ito Ang Gusto Ko.

Pinatawa naman ng stand-up comedians na sina Alex Calleja at Red Ollero ang mga manonood sa kanilang mga birong tumalakay sa mga napapanahong isyu at sa pang-araw-araw na hamon ng mga Filipino.

Kasunod nito, pinakilig ni Ebe Dancel ang manonood sa mga kantang Burnout, Makita Kang Muli, atBawat Daan, na sinundan ni Amiel Sol sa Ikaw Lang Patutunguhan, Nahanap Kita, at Sa Bawat Sandali.

Inawit ni Nica Del Rosario, composer at mang-aawit ng 2022 campaign hit na Rosas ang Tala at nakipag-collaborate kay rapper Pio Balbuena sa kantang Kapangyarihan. Ipinagpatuloy ni Balbuena ang kanyang solo performance sa 44 Bars, Republika ng Tambay, at Akinse.

Pinagliyab ng hip-hop group na Morobeats ang entablado sa kanilang mga kantang Di Papasakop, Magna, at Anak Ka ng Pu na tumutuligsa sa korapsiyon sa gobyerno at sa patuloy na pangha-harass ng China sa mga barkong Filipino sa West Philippine Sea at sa walang basehang pag-angkin sa teritoryo ng Pilipinas.

Pinahanga ng Femme MNL, na binubuo ng LGBTQIA+ dancers, ang manonood sa kanilang Rihannaset, habang pinasigla ng rock band na Chelsea Alley ang concert sa kanilang awiting We Are, Camouflage, at Heneral.

Inawit naman ni OPM legend na si Janno Gibbs ang kanyang hit na Pinakamagandang Lalaki at nakipag-duet kay Ogie Alcasid sa kantang “

Handog ng Pilipino.

Inawit din ni Ogie ang kanyang mga hit na Sige Laglagan Na at Nandito Ako, na sinundan ng Over October sa Dahan, Bitin, at Ikot. Pinakilig ni Earl Agustin ang mga manonood sa TibokPag Ibig ng Ikaw at Ako, at Dalangin bago umakyat sa entablado ang Rivermaya, kasama ang Quezon City Symphonic Band, upang itanghal ang You’ll Be Safe Here,Umaaraw, Umuulan, at Awit ng Kabataan.

Tinapos ng mga Magalona ang palabas sa Ito Ang Gusto Ko, na sinundan ng 10 minutong fireworks display na nagliwanag sa kalangitan — isang makulay na pagtatapos sa selebrasyon ng pagkakaisa, tapang, at pag-asa.

Nagsilbing hosts sina talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz, kasama sina Mama Loi Villarama, DJ JhaiHo, Bea Binene, at Iza Calzado. Tampok naman sa pre-show ang Madeline, Hey Moonshine, Stonefree, Chloe Redondo, Jkris Dantes, Crispin, Sisa and Bassilyo, TSN Drag, Mz. Chronicles, at Jasmine Dudley-Scales.

Dahil sa matagumpay na konsiyerto marami ang nagsasabi na nagsilbi ito bilang bagong paraan ng pag-alala at pagbibigay-pugay sa EDSA People Power I. Sa pagsasanib ng alaala at matitinding panawagang papanagutin ang mga tiwaling opisyal, ang concert ay isang tunay na makabuluhang paraan upang simulan ang paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA 1.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Dingdong Dantes Leni Robredo

Dingdong tinanggap paghingi ng paumanhin ng netizen: maging mas mapanuri

I-FLEXni Jun Nardo TINANGGAP na lang ni Dingdong Dantes ang apology ng isang netizen na nag-post ng …

Coco Martin PAFTA

Coco Martin at Marian Rivera, wagi sa 1st Philippine Arts, Film & Television Awards (PAFTA)

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGWAGI sina Coco Martin at Marian Rivera sa first Philippine …

P200-M Cigarettes manufacturing machines Tanza, Cavite

P200-M produktong tabako, manufacturing machines kompiskado sa Tanza, Cavite

SA PATULOY na operasyon ng mga awtoridad laban sa nga ilegal na sigarilyo, nakompiska ng …

Arrest Shabu

Sa drug bust sa Baseco
P.5-M shabu nasabat, 6 arestado

NASAKOTE ang anim katao kabilang ang tatlong nakatalang high value individual (HVI) habang nasamsam ang …

Valenzuela City shabu lab

Sa Valenzuela City  
SHABU LAB NADISKUBRE

ISANG nakatagong shabu laboratory ang natuklasan ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) …