Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jun Lana Hilda Koronel Eugene Domingo Jennica Garcia

Jennica natupad maidirehe ni Jun Lana

HARD TALK
ni Pilar Mateo

MATAPOS ANG ilang pelikula at ilang soap, dumaan na rin pala kay Jennica Garcia ‘yung pakiramdam na kailangan na muna niyang magpahinga sa pag-aartista.

Pero 17 years old pa lang siya, ang isang pangarap lang niya na ninais matupad ay ang makagawa ng pelikula na si Jun Lana ang magdidirehe.

Ilang beses siyang nakiusap kay Christian Bables na alalahanin siya kahit maging ekstra lang sa pelikula ni Lana.

Thirty six years old na siya.

Ang bilin pa nga niya sa management niya, gusto muna niyang magpahinga kahit isang buong taon at wala munang pelikulang tatanggapin.

Eto na ‘yung pagkakataon. Na ‘di niya inakalang darating pa. Noong sinabi na direk Jun ang writer at director, agad na ipinasabi na tatanggapin niya ang Sisa.

Ang papel niya ay si Leonor. Pag-ibig sa panahon ng giyera. Pagsakop ng mga Amerikano sa bansa.

Umibig sa banyaga sa pag-aakalang mamahalin siya nito at aalisin sa hirap na dinaranas.

Aminado ang anak ni Jean Garcia (inis siya dyan kapag sinasabi ‘yan dahil minsan pala na ‘di siya naka-workshop at pawang galing sa ganoon ang mga kasama, tila nanliit pa siya sa sarili), na sobrang challenging nang iniatang na papel sa kanya.

Lalo pa’t mga batikan at beterana na ang kasama. Ang bida na si Hilda Koronel. At ang pangunahing suportang si Eugene Domingo. Na may napakalakas ng dating na cast.

Kung ikukompara nga si Leonor sa isang Jennica sa pangingibig nga raw eh, pareho sila.

Magagalit ang Mama ko sa sasabihin ko. Pero talaga ‘pag nagmahal ako, ibibigay ko ng buong-buo. Kahit wala na ako itira sa sariki ko.”

Mula pala nang maghiwalay sila ni Alwyn Uytingco (na may dalawa silang anak), wala pang nangahas na manligaw sa kanya.

Aminado si Jennica at ‘di naman ikinakahiya na siya ang nag-first move o gumawa ng paraan para maging sila ni Alwyn.

Na hindi na raw mangyayari ngayon. At kung may darating man, sisiguraduhin niyang minamahal nito ang Diyos, una sa lahat.

Sa March 4, 2026 na matutunghayan ang naanyayahan na sa dalawang festivals abroad (Tallin Black Nights at Fantasporo) na pelikula.

Pero natutuwa sina Hilda at Eugene na ang mga kababayan natin ang makakanood nito sa mas mababang halaga sa mga sinehan.

Once an actress, you can never put them down. Ang husay na niyong dalawa. Nakisabay pa ang mga suporta. Angeli Nicole  Sanoy. Tanya Gomez. Nico Antonio.  Barbara Miguel. Jorrybell Agoto. Marami pa. 

Ang pelikula. Opening shots pa lang, pakiwari mo pumasok ka sa isang Ishmael Bernal na obra. Ganoon ang nagawa ni direk Jun.  Banayad ang tunog. At ang pagkuha sa emosyon ng tinutuntungang sitwasyon. 

Iba naman. Naiba naman. Pelikula para sa mundo. Pero dapat muna sa Filipino. Political undertones yes. Women empowerment, yes.

Natumbok ang gustong maipahayag. 

Sa kakaiba namang klase ng ibig sabihin ng kabaliwan.

Ang masaya nito, rated-PG ito ng MTRCB. Para sa buong pamilya na may patnubay ng magulang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Net Kanda Lea Salonga

Thai singer/actress napaiyak nang makita si Lea

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang maiyak ng Thai singer/ actress na si Net Kanda nang makita at …

D GRIND Presentsm D PURPOSE 2026 MANILA

D’GRIND Presents…D’ PURPOSE 2026 MANILA

MATABILni John Fontanilla MULING magkakaroon ng dance workshop at recital ang nangungunang dance group sa …

Emma Tiglao

Emma Tiglao sinabihang ‘makapal ang mukha,’ management ng resto nag-sorry

MATABILni John Fontanilla NABASTOS daw si 2025 Miss Grand International Emma Tiglao ng isang waiter na tinawag siya …

Mama Emma Janna Chu Chu

Mama Emma, Jana Chu Chu wagi sa Dangal ng Pinas 2026!

MATABILni John Fontanilla PASASALAMAT ang gustong iparating ng Barangay LSFM 97.1 DJ na si Mama Emma sa pamunuan ng Dangal …

 Joel Lamangan All About Her

Direk Joel sa pagdidirehe ni Coco—May mata siya, marunong mag-position ng camera

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISA sa magagaling na direktor si Joel Lamangan kaya naurirat namin ito ukol …