Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dingdong Dantes Leni Robredo

Dingdong tinanggap paghingi ng paumanhin ng netizen: maging mas mapanuri

I-FLEX
ni Jun Nardo

TINANGGAP na lang ni Dingdong Dantes ang apology ng isang netizen na nag-post ng statement na sinabi raw niya kay VP Sara Duterte na nakatatakot ‘pag nanalo ito.

Mula sa isang Amy Imperial Ugay ang post na marami ang nagulat.

Kasunod pa ng post umano ni Dong, na nakikita niya kay VP Sara ang tapang talino at abilidad na may kakayahang mamuno gaya ng amang si dating Pangulong Digong Duterte.

Eh mas kilala si Dong na maka-Leni Robredo, huh!  Kaya agad itinanggi ni Dong ang post ni Sugay.

Burado na ang apology ni Sugay. Tanging ang pagtanggap ng Kapuso Primetime King ang nakalabas sa Facebook account niya.

Bahagi ng pahayag ni Dong, “Nawa’y maging mas mapanuri po tayong lahat, lalu na sa misinformation at disinformation… at sa bawat diskurso, piliin sana natin ang respeto sa kapwa Pilipino. Peace!”

Medyo nadaanan namin ang apology ni Sugay. Parang may justification pa siyang lahat daw eh nagpo-post ng katulad ng ginawa niya kaya sumunod din siya.

Forda content at engagement, huh! Very familiar DDS!

Naku, pasalamat siya at matino si Dong, huh!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Virginia Rodriguez Leave Nobody Hungry Foundation

Ms. Virginia Rodriguez, nakatutok sa Leave Nobody Hungry Foundation

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO si Ms. Virginia Rodriguez – president at chairperson ng …

Tuesday Vargas

Tuesday Vargas talento ibinabahagi habang naglalayag sa dagat

HARD TALKni Pilar Mateo MUKHANG umiingay ngayon ang sea cruises. O paglalayag sa dagat. Napakarami …

Angelica Panganiban The Silent Noise

Angelica ramdam bigat ng bawat eksena habang ginagawa ang The Silent Noise

ni ALLAN SANCON STAR studded ang katatapos na Blue Carpet Premiere ng bagong seryeng The Silent …

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …