Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Christian Bautista Mark Bautista Paolo Valenciano

Christian, Mark magsasama sa  Bautista X Bautista concert 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

SA wakas magsasama sa isang konsiyerto sina Christian Bautista at Mark Bautista. Ito bale ang kauna-unahan nilang pagsasama sa pamamagitan ng Bautista X Bautista concertsa March 6 sa New Frontier Theater. Ididirehe ito ni Paolo Valenciano

Matagal nang magkakilala ang dalawa, simula pa noong mga araw na kapwa sila mga contestant ng reality singing show. Napanatili nila ang pagiging malapit at mayroong silang healthy competition, isang bagay na sinasabi nilang magniningning sa kanilang collaboration concert.

Sa pagsasamang ito naurirat sa dalawa kung mas naging matatag ba ang kanilang pagkakaibigan lalo’t mas madalas sila magkasama sa rehearsals at promotions.

Ani Christian, “Fine-fake lang po talaga namin. Nag-aaway po kami.”

Anina Christian at Mark sa isinagawang media conference kamakailan sa Pandan Asian Cafe, madalas nilang pag-uusapan ang ukol sa nalalapit nilang konsiyerto. Katunayan, mas naging close sila kaya madalas na magkasabay kapag nagtutungo o nagsasagawa sila ng promo para sa kanilang concert.

Sometimes, ‘pag busy ako, sila ni Kat nag-uusap, my wife, about how to help pa the show,” ani Christian na dahil pa sa closeness ay may mga pagkakataong  sabay-sabay na nanonood ang kani-kanilang pamilya ng konsiyerto ng isa’t isa.

Ibinahagi rin ni Mark na si Christian ang nagsisimula ng mga group chat tungkol sa palabas.

“So ‘yung collaboration namin, mas close kami especially with this concert.”

Subalit hindi naman din nawawala ang minsang pagtatalo o hindi pagkakaunawaan lalo ukol sa show at performances, “pero hindi namin pinatatagal,” anang singer.

Hindi rin nila inaalis na may kompetisyon pa rin sa kanilang dalawa subalit ang pagkakaibigan nila ay pinatatag na ng panahon.

Pwede kayo maging kaibigan pero also want the best for each other. And to do that, you have to be the best version of yourself,” wika pa ni Christian.

And para ma-achieve ‘yan, I think kailangan lang ng wisdom and kailangan ng timpla kasi baka ‘yung pagiging competitive mo ay nakaka-offend na or something. Ang friendship dapat nangingibabaw pa rin, ‘yung support nangingibabaw pa rin,” susog naman ni Mark.

At lalo lang naging solid ang kanilang pagkakaibigan sa pagka-release ng libro ni Mark, ang Beyond the Mark, na punompuno ng revelations.

Doon ko rin na-test ‘yung friendship namin ni Christian when things were uncomfortable, when things were crazy. Naroon siya, hindi siya lumayo,” sambit ni Mark.

Iginiit naman ni Christian na siya iyong klase ng kaibigang  laging nariyan at maasahan.

Kasi ang mahirap naman sa buhay namin, any news article that aims to put us down will really affect us eh,” aniya. “I didn’t ask him how he was, pero I just told him, ‘I’m here as your friend if you need anything.’”

Idinagdag pa ni Christian na nariyan sila para sa isa’t isa. “We pray to God that this friendship will last and stand the test of time,” aniya pa.

Ang pagkakaibigan ng dalawa ay makikita sa Bautista X Bautista concert. Habang ipakikita rin nila kung sino sila bilang mga indibidwal na artista, gaganap din sila bilang isang duo.

Mayroon kaming ganun na friendship and understanding. And you will see this friendship also in this show,” sabi pa ni Christian. “There will be times of course, na dapat talaga magpapasikat kami sa isa’t isa, pero at the same time, when we sing a song, [we sing it] in harmony.”

Sinabi pa ni Mark na hinahangaan niya ang propesyonalismo ni Christian at palaging nakikinig sa kanyang input, “kasi most of the time, sakto ‘yung mga suggestions niya.”

Isang performer na mapagbigay o hindi uhaw sa limelight si Mark, ayon kay Christian. “If he knows na for example, this moment is for you, so he will give you that moment. 

“For all these years na I’ve known Mark, when we sing together, parang, ‘oh hirap ka ba today? Ako na dito sa note na ‘to. Harmony? Ikaw baba, ako taas. Kunin mo na ‘yung last line because it’s your birthday,” dagdag pa ni Christian.

Sinabi naman ni Mark na pareho sila ni Christian sa tema ng musika dahil pareho silang kumakanta ng ballad at nagti-teatro. 

Samantala sa kanilang konsiyerto, pop at upbeat songs ang nasa repertoire ni Mark samantalang ballad pa rin ang kay Christian.

“Kasi lagi kami napagkakamalan ako si Mark, siya si Christian. So, time to settle the storm,” ani Christian.

Inilarawan ni Mark ang sarili bilang experimental samantalang perfectionist naman si Christian.

“We’re so close as friends, we like the same sport, we like coffee,” wika ni Christian.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emma Tiglao

Emma Tiglao sinabihang ‘makapal ang mukha,’ management ng resto nag-sorry

MATABILni John Fontanilla NABASTOS daw si 2025 Miss Grand International Emma Tiglao ng isang waiter na tinawag siya …

Mama Emma Janna Chu Chu

Mama Emma, Jana Chu Chu wagi sa Dangal ng Pinas 2026!

MATABILni John Fontanilla PASASALAMAT ang gustong iparating ng Barangay LSFM 97.1 DJ na si Mama Emma sa pamunuan ng Dangal …

 Joel Lamangan All About Her

Direk Joel sa pagdidirehe ni Coco—May mata siya, marunong mag-position ng camera

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISA sa magagaling na direktor si Joel Lamangan kaya naurirat namin ito ukol …

Ji Chang-wook Kumusta

Ji Chang-wook bibida sa South Korean-Filipino Culinary Series’ Kumusta 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INTERESTING. Bago. Kakaiba. Nakatutuwa. Ito ang naramdaman namin habang pinanonood ang …

Virginia Rodriguez Leave Nobody Hungry Foundation

Ms. Virginia Rodriguez, nakatutok sa Leave Nobody Hungry Foundation

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO si Ms. Virginia Rodriguez – president at chairperson ng …