Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists inanunsyo

IPINAKILALA na ng  Puregold CinePanaloang Top 20 student short films na napili mula sa 267 entries na ipinadala ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang panig ng bansa. 

Mula sa paunang Top 53 shortlist, napili ang pinakamahusay na obra na nilikha ng student filmmakers na sasabak sa ikatlong edisyon ng festival.

Ang 20 Student Shorts na napili para sa taong ito sa Puregold CinePanalo ang mga sumusunod: Starfish ni John Clite Apolinar mula Polytechnic University of the Philippines; Alumahan ni Christian Melvin M. Arejola mula pa rin sa Polytechnic University of the Philippines; A Million Dream ni Ace Joven Balleta ng University of Eastern Philippines; Kanibal ni Michael Baylon ng University of the Philippines (Visayas); Miss Intrams ni Henri Marie C. Belimac ngUniversity of the Philippines (Mindanao); The Sound of K ni Jay Gabriel A. Cañada ng Visayas State University;
Teks Battle: Shoolt Pati Pato ni John Russel Capule ng University of Caloocan City;
Tingi ni Rowan De Aro ng Tanza National Comprehensive High School; Pulis Dunggab ni Maxine Dela Bajan ng iACADEMY Cebu; at Kapag Tapos na ang Umpukan ni Justine Lee Estinor ng Manuel S. Enverga University Foundation.

Kasama rin ang Ang Huling Banlaw ni Susan ni Hezekiah M. Estorque ng University of the Philippines (Visayas); Sa Mga Nagdaan at Lumipas ni Ezaldea Carla Fernandez ng University of the Philippines (Open University); 12 Shots ni Minnesota Flores ng University of the Philippines (Diliman); No Mad is An Island ni Carl Geronimo ng City of Malabon University; Nakabinbin ni Carlo M. Gula ng Colegio de San Juan de Letran – Manila; When Heaven Inched Towards Earth ni Vinh Marco ng University of the Philippines (Diliman); Limlim ni Samantha Beatriz Acoja Palaje ng St. Dominic College of Asia; Bumtak Sara ti Nuangen (The Carabao’s Horns Have Cracked) ni  Lloyd Pereira ng Polytechnic University of the Philippines; Kun Hain? Bisan Diin ni Jomarie Reyes ng University of the Philippines (Diliman); at Nang Matakasan ang Tagay ni Giancarlo Santiago ng University of the Philippines (Diliman).

Makatatanggap ang mga batang filmmaker ng production grant na PhP200,000, bukod pa sa sponsorship ng equipment packages para masuportahan ang produksiyon ng kanilang mga pelikula bilang bahagi ng mas pinalawak na programa ng Puregold CinePanalo ngayong taon.

Sa pakikipagtulungan ng Asia Pacific Film Institute (APFI), inilunsad din ang pinalawak na educational incentives para sa mga kalahok. Ang mga mananalo sa Best Film, Jury Prize, at Best Director ay magiging kwalipikado para sa full scholarship sa APFI, kasama ang iba pang tuition benefits at career guidance programs.

Ipinahayag ni Ms. Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold, ang  pagbati sa Top 20 finalists. “Hindi naging madali ang marating ang yugtong ito. Naniniwala kami na ang mga batang filmmaker na ito ang may dalang mahahalagang kuwentong kailangang maibahagi sa kasalukuyang panahon. Ipinagmamalaki naming mabigyan sila ng plataporma upang maisabuhay ang kanilang mga kuwento, at inaabangan naming makita kung paano tatanggapin at makare-relate ang mga manonood sa mga pelikulang ito.”

Isa na ngayong kinikilalang plataporma sa industriya ng pelikulang Filipino, ang Puregold CinePanalo na isang festivalat naglalayong itaguyod ang boses at sining ng mga batang Filipino filmmaker. Mula nang ilunsad ito, daan-daang libong piso na ang naipamahaging production grants, na nagbukas ng mas maraming oportunidad para sa kanilang propesyonal na pag-unlad at exposure.

Gaganapin ang Puregold CinePanalo Film Festival mula Setyembre 23 hanggang Oktubre 4, 2026 sa Gateway Cineplex 18 sa Araneta City at sa piling Ayala Cinemas, na ipalalabas ang 20 student shorts kasabay ng pitong full-length feature films.

Ang mga pelikulang nalikha at naipalabas sa mga nakaraang edisyon ng festival ay  patuloy na umaani ng kritikal na papuri, naipalabas sa iba’t ibang kilalang film festivals sa loob at labas ng bansa, at nagkamit ng mga parangal.
—30–

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bree Barrameda Hell University

“Hell University,” buwena-manong project ng magandang newbie na si Bree Barrameda

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG project ni Bree Barrameda ang “Hell University,” na mapapanood na sa …

Aga Muhlach Andres Muhlach

Aga kitang-kita pagka-proud kay Andres sa Bagets, The Musical

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAY gandang pagmasdan sa stage ng mag-amang Aga Muhlach at Andres Muhlach during the pilot …

Willie Revillame Wilyonaryoc Jacket

Willie muling kinakitaan paninita sa mga katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGBABALIK-TV na nga si Willie Revillame dahil nag-umpisa na ang pag-ere ng Wilyonaryo sa wilyonaryo.com,  hindi …

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …