MATABIL
ni John Fontanilla
ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang mommy Aiko Melendez at sa actor na si Onemig Bondoc, na napapabalitang may relasyon.
Ayon kay Andrei sa presscon ng inaabangang series sa Viva One ang Hell University na isa ito sa bida, “Enjoy, kung saan sila masaya, kung saan sila, I’ll give my blessings.”
Inamin din ni Andrei na nakilala na niya si Onemig at close naman silang dalawa.
Gagampanan ni Andrei ang role ni Matt na kaibigan ni Zein.
Ang Hell University ay mapapanood ngayong January sa Viva One at pinagbibidahan nina Heart Ryanat Zeke Polina kasama sina Lance Carr, Aubrey Caraan, Andre Yllana, Gabbi Ejercito, Derrick Ong, Jac Abellana, Jastine Lim, Keagan De Jesus atbp.. directed by Bobby Bonifacio, Jr..
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com