Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
SSR Shake Rattle and Roll Evil Origins

Shake, Rattle &Roll: Evil Origins tumabo ng mahigit P110-M sa takilya, palabas pa sa mahigit 100 sinehan

NA-BREAK na ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins ang P100-M mark sa isinasagawang Metro Manila Film Festival 2025. Nagtala na ito ng P110-M sa talkilya simulang magbukas ito sa mga sinehan noong December 25. Ito ang 2nd topgrosser sa walong pelikulang kalahok sa MMFF. Ang Shake, Rattle & Roll: Evil Origins ay ang official entry ng Regal Entertainment, Inc..

Consistent ang Shake, Rattle & Roll: Evil Origins sa posisyon nito sa box office simula noong opening ng festival noong Pasko. Isa na ang Shake, Rattle & Roll: Evil Origins sa biggest moneymaker sa hanay ng Pinoy horror movies na ipinalabas ng mga nagdaang taon. Ito na rin ang may hawak ng record bilang biggest hit sa lahat ng Shake, Rattle & Roll franchise.

Taos-puso ang pasasalamat ng pamunuan ng Regal Entertainment at produksiyon ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins sa lahat ng tumangkilik at patuloy na tumatangkilik sa pelikula. Mga fan, pamilya, at kaibigan ng cast na hindi nagkait ng suporta sa pelikula. At sa pamilyang Filipino na naging malaking bahagi ng tagumpay ng pelikula. 

Naging word-of-mouth din ang production excellence ng pelikula. At ang mahusay na pagganap ng buong cast. Matinong direksiyon at script.

Maihahanay na ang Shake, Rattle & Roll: Evil Origins sa listahan ng mga de-kalibreng horror movies sa kasaysayan ng pelikulang Filipino.

Patuloy na gagawa ang produksiyon ng Regal Entertainment ng mga de kalibreng obra para sa mga Filipino na patuloy na tumatangkilik sa kanilang mga pelikula.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …