Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joseph Marco Rhen Escaño My Husband is a Mafia Boss

Joseph Marco at Rhen Escaño bibida sa My Husband is a Mafia Boss

HINDI nauubos ang mga kapana-panabik na handog ng Viva One para sa mga loyal viewer at Wattpadseries enjoyers.

May panibagong aabangan ang mga manonood, dahil magkakaroon na ng series adaptation ang My Husband is a Mafia Boss, ang kuwentong umani ng mahigit 218 milyong reads sa Wattpad. Mula sa panulat ng yumaong author na si Diana Marie Serrato Maranan, o mas kilala online bilang Yanalovesyouu, mapapanood na ito ngayong 2026, sa Viva One.

Kuwento ng isang dalagang college student na makikilala ang isang young billionaire CEO ng isang kompanya, na kalaunan ay matutuklasan niyang isa rin palang mafia boss.

Sa gitna ng samo’tsaring dahilan at mga nakatatawang pagkakatugma ng tadhana, mauuwi sa hindi inaasahang kasalan ang kanilang ugnayan. Dito magsisimula ang kakaiba nilang pagsasama na haharap sa lahat ng sakit at pagsubok, habang ang kanilang mundo ay unti-unting nababalot ng mga lihim, misteryo, at kasinungalingan.

Ang pinakabagong Viva One original series ay ididirehe ni Fifth Solomon at ang unang pagtatambal nina Rhen Escaño at Joseph Marco, na magbibigay-buhay sa mga minamahal na karakter nina Aemie Romero at Ezekiel “Zeke” Roswell.

Si Aemie Romero (Rhen) ay isang third-year college student – maganda, masayahin, at laging full of energy. Marami ang nagmamahal at humahanga kay Aemie, kahit pa may mga pagkakataong siya ay OA, medyo isip-bata, at may pagka-clumsy. Dahil sa kakaibang personalidad, siya ay makakasal sa isang lalaki ng wala sa plano.

Sa ilang taon ni Rhen sa industriya, napatunayan na niya ang versatility bilang artista, at nasaksihan ng maraming ang husay mula telebisyon hanggang pelikula.                

Sa pagganap niya bilang Aemie, isang panibagong Rhen ang mapapanood, na bibigyang buhay niya ang isang cute at makulit, ngunit palaban na karakter na handang sumabak sa aksiyon.

Si Ezekiel “Zeke” Roswell ay isang engineer, young billionaire, at CEO ng isang kompanya—matalino, perfectionist, istrikto, straightforward, at may pagkasuplado, iilan lamang ang tunay na nakakapalagayan niya ng loob. Sa likod ng tagumpay, siya rin ay isang lihim na mafia boss. 

Sa gitna ng pagharap niya sa bigat ng mga responsibilidad at problemang kinakaharap, magbabago ang takbo ng buhay niya nang makilala si Aemie.

Dahil sa kangang manly physique at strong features, swak na swak para sa papel ni Zeke Roswell si Joseph. At matapos ang kanyang pagganap sa ilang rom-com movies at action-drama series, subok na ang kakayahan ni Joseph na maghatid ng kilig, at alam na ng marami ang husay niya sa aksyon at drama na malaking parte sa pagganap niya bilang isang mafia boss.

Makakasama pa nina Joseph at Rhen sa serye ang ilang mga up-and-coming na artista na gagampanan ang mahahalagang papel sa series.

Si Frost Sandoval ay gaganap bilang Kaizer Maxwell Lamperouge, ang kanang kamay ni Zeke at isa sa mga pangunahing miyembro ng Roswell Mafia Group. Habang si Sara Joe naman ang gaganap bilang Amesyl Cross, ang pinsan at matalik na kaibigan ni Aemie.

Makikilala rin sa serye ang mga kaibigan ni Aemie. Si Jaime Yllana bilang si Nico Jeisz Young. Si Icee Ejercito si Caileigh Ferrer. Si Kyosu Guinto bilang Kevin Alferez, Si Dann Aquino bilang Louie Birkins, at Aaliyah Coco bilang Shan Venice Birkins.

Bahagi naman ng Roswell Mafia Group sina R-ji Lim ng Alamat bilang Jacob Lee, PJ Rosario bilang Sebastian Lerwick, at Maru Delgado bilang Vash Boulstridge.

Mapapanood rin sa serye ang kalaban ng Roswell Mafia Group na Yaji Mafia Group at ang leader nila na si Eiji Ferrer na gagampanan ni Simon Ibarra. Miyembro ng Yaji Mafia Group sina Meisha Lamperouge na gagampanan ni Roberta Tamondong, si Hazel Calawod bilang Cassandra Heather, Naz San Juanbilang Tristan Klein, at MO Mitchell ng Alamat bilang Spade Clifford.

Makikilala rin ang ibang karakter tulad nina Violet Swansea, na gagampanan ni Priscilla MeirellesKelley Day bilang Fiona Stonehurst, Yuki Sonoda bilang Fauzia Arcadia, Bianca Santos bilang Kate Alonzo, at Sandex Gavin bilang Phoenix Strife.

Parte rin ng serye sina Anjo Damiles bilang Jerson Ken Blood at Akihiro Blanco bilang Wallace Martin Lionhart, at si Edsel Santiago bilang Milka Shinize Boulstridge

Si Ara Mina naman ang gaganap bilang Alyana Heartily-Ferrer, ang childish pero sweet at maalagang nanay ni Aemie. At mayroon siyang sikretong maaaring maglayo kina Aemie at Zeke.

Aksyon, drama, comedy, kilig, tensyon, at kaba— tiyak halo-halo ang mararamdaman ng mga manonood sa bagong serye na aabangan sa Viva One. Panibagong excitement at thrill ang mararamdaman sa paboritong online streaming platform—My Husband Is A Mafia Boss, ngayong 2026 sa Viva One.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …

Zoren Legaspi Mavy Cassy Carmina Villarroel

Hating Kapatid good venue para maipakita ibang side ng Legaspi family

RATED Rni Rommel Gonzales ISANG malaking blessing para kay Cassy Legaspi, ang GMA drama series na Hating Kapatid sa kanilang …