Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos na pakikipag-ugnayang nagpapakita ng posisyon nito bilang isang premium entertainment platform.

Mula sa Red Charity Gala na nakamit ang magandang hangarin sa tulong ng kahali-halinang pagdiriwang, hanggang sa MNL Fashion Week na nagtaas sa antas ng disenyong Filipino sa pandaigdigang entablado; Mula naman sa The New Nocturnals na ipinagdiriwang ang husay sa sining at sariling pagpapahayag, hanggang sa The Most Stylish Party sa The Rolling Stone Philippines Hall of Fame na binigyang pugay ang mga kilalang tao sa iba’t ibang larangan – ang NUSTAR Online ay patuloy na nagbigay pagpapahalaga sa mga kwento ng kahusayan at kadakilaan.

Noong Kapaskuhan, inilipat ng brand ang pokus sa pagtulong sa komunidad.

Para mapanatiling tapat sa pangakong iangat ang antas ng buhay, inilunsad ng NUSTAR Online ang Wish Upon a NUSTAR, isang proyekto para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan na idinisenyo para mapakinggan at matupad ang mga kahilingan ng mga Filipino sa buong bansa. 

Pinangunahan ang proyekto ng mga brand ambassador na sina Andrea Brilliantes at Bea Alonzo na nagpatibay sa misyon ng platform na gawing tunay, makabuluhan ang mga resulta sa panahon ng pagbibigayan.

Para sa amin sa Nustar Online, ang karangyaan ay hindi lamang binigyang kahulugan bilang mataas na karanasan kundi sa mabuting hangarin o layunin”, sabi ni Krizia Cortez, Direktor ng Public Relations ng NUSTAR Online. “Ginawa namin ang proyektong ito para mapakinggan at tumugon sa aming tagatangkililk sa kanilang mga kwento sa likod ng kanilang mga hiling, sa realidad na kanilang ikinabubuhay sa araw-araw at matugunan ng may dignidad, aksyon, at tunay na epekto.”

Bahagi ng inisyatibong ito, libo-libong manlalaro ang nagpadala ng kanilang mga personal na kahilingan, na lima (5) ang mapipili sa buong bansa. Bawat taong humiling ay makakukuha ng regalo na magpapabago sa kanila at susuportahan ang kanilang pang araw-araw na pangangailangan, kabuhayan, at ginagalawan.

Dalawa ang napili sa NCR na mula sa Valenzuela at Malabon at nakamit nila ang hiling na bisikleta at electric bicycle. Sa lalawigan ng Quezon, isang pamilya ang nakakuha ng tricycle bilang suporta sa kanilang kabuhayan.

Sa Cebu, isang tatay ang nabigyan ng kalabaw para maipagpatuloy ang kanilang pangangailangan sa pagsasaka. 

Samantala, may humiling din mula General Santos City ng isang bisikleta para alalayan ang kanyang pang araw-araw na biyahe papasok sa trabaho.

Maaaring mapanood ang mga kwento ng mga mapalad na napili at paano at bakit ang mga kahilingang ito ay mahalaga sa kanila. Bisitahin ang opisyal na Facebook page ng NUSTAR Online: www.facebook.com/nustaronline na mang bawat kwento ay nagbibigay ng personal na epekto sa likod ng bawat nakuhang hiling.

Ang namukod-tangi sa amin ay ang katapatan sa likod ng bawat hiling,” dagdag ni Cortez. “Sila ay sumasalamin sa tunay, pang araw-araw na realidad at maalalahaning pangangailangan na siyang tunay na mahalaga. Ang kakayahang tumugon sa paraang pinararangalan ang mga kwento at nagdala ng tunay na epekto ay nagdulot ng kabuluhan sa proyektong ito lalo na sa amin.”

Kaugnay sa kampanyang ito, nakipagtulungan ang NUSTAR Online sa Philippine Cerebral Palsy Incorporated (PCPI) para sa isang Christmas Donation Drive na ang layunin ay suportahan ang mga batang may cerebral palsy kabilang ang kanilang mga pamilya. Ang inisyatibong ito ay naging paraan para makapagbigay ng mga Christmas baskets at hygiene kits sa bawat pamilya habang ang mga bata ay nakatanggap ng mga upuan at mga mahahalagang therapy equipment para sa kanilang paglago. Mayroon ding donasyong salapi na ibinigay sa PCPI bilang pagtanaw at pagkilala sa kanilang 70 taong paglalaan ng serbisyo sa komunidad.

Ang Wish Upon a NUSTAR ay simula ng isang malawakang pangako.

Bilang pagsulong, ang NUSTAR Online ay magtatatag ng sariling Corporate Social Responsibility na magpapalawak ng mga pagsisikap nito na higit pa sa panahunang mga proyekto para mapanatili ang mga proyektong pangkomunidad sa buong bansa.

Dahil ang bawat hiling ay nararapat lamang dinggin.

Just Wish Upon a NUSTAR.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …