MATABIL
ni John Fontanilla
MASAYANG nag-celebrate ng kanyang kaarawan ang lead vocalist ng InnerVoices na si Patrick Marcelino kasama ang kanyang pamilya at mga ka-banda.
Wish nito sa kanyang kaarawan ang makasama ang pamilya ng mahabang panahon na masaya, love, at patuloy na tagumpay sa Innervoices.
Ngayong Kapaskuhan ay kasama nito sa isang simple pero memorable ang kanyang pamilya.
“Well simple lang po ang celebration. Noche Buena sa bahay kasama ang pamilya at magbigay ng regalo sa mga inaanak at makasama ang partner ko na si Mhel,” ani Patrick.
At labis-labis na kasiyahan ang nadarama nito sa panibagong award na nakuha ng grupo sa Aliw Awards 2025.
“Of course masayang-masaya po, and unang-una pasalamat sa Diyos. Sa mga taong nagtitiwala at naniniwala sa akin,” pahayag pa ni Patrick.
Thankful ito kay Atty. Rey Bergado, ang leader ng InnerVoices.
“Nagpasalamat din ako inyong lahat, our media family. Lalo na si Atty Rey and my family. My number 1 fan and supporter na si Mhel, ang partner ko.”
Sa 2026 ay maraming proyektong naka-line up sa InnerVoices.
“Sabi ni Atty around February ay gagawa pa kami ng mga tatlong bagong kanta and the rest sa amin na po muna.
“Might have outside the country show na rin. Iniintay lang namin ang biggest break namin. Mabait si God and we know na makakamit namin itong succes na ito dahil bawat isa sa grupo ay buhos ang pagsusumikap,” wika pa ni Patrick.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com