Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mojack

Mojack hataw sa pagbabalik-‘Pinas

MATABIL
ni John Fontanilla

NASA bansa ngayon ang singer na si Mojack para magbakasyon at magselebra ng Christmas at New Year and at the same time ay para na rin mag-show dahil na-miss nito ang mag-show sa iba’t ibang province katulad ng mga ginagawa niya dati.

Matagal-tagal na sa Amerika si Mojack dahil doon ito nagtatrabaho kaya hindi siya nakakapag-show.

Ayon kay Mojack, “Hayun heto na nga po, umuwi po ako ng Pilipinas dahil magbabakasyon dahil limang taon din po ako na ‘di nakauwi mula noong nag-pandemic.

“Kaya sabi ko need ko magbakasyon, pero ang nangyare nalaman ng mga dati kong pinagso-show-an na nandito ako sa magandang pakikisama sa mga booker, producers at mga event organizer kasama na ang mga mabubuting kaibigan na-miss po namin ang isa’t isa kaya ako po ay binigyan nila ng mga pagtatanghalan bilang guest nila kaya mayroon na po akong mga schedule sa Marinduque, Lucena, Leyte, Nueva Ecija, Batangas at may mga inaayos at tentative pa.”

Nagpapasalamat nga ito sa mga taong patuloy na nagtitiwala.

Nagpapasalamat ako sa mga taong patuloy na nagtitiwala po sa aking talento. At sa mga kaibigan ko na mga hindi ko pa mabisita kasama na ang pamilya babawi po ako. Specially sa mga nagpaabot pa sa akin ng mga guesting  on TV, onlines at iba pang private functions, patuloy po akong tatanggap ng trabaho at magpapasaya ng mga kababayan. 

Ang masasabi ko lang po. Salamat po sa inyong pagmamahal, hangga’t kaya ko pa pong kumanta at magpasaya open po ako sa lahat. At salamat sa walang sawang suporta. Pagpalain po tayo ng Amang nasa langit,” wika pa ni Mojack.

At habang nasa bansa si Mojack ay raratsada ito sa paglibot sa iba’t ibang parte ng Pilipinas para magpasaya.

Kaya magkita-kita po tayo sa Guimba, Nueva Ecija sa December 20 with the reserve men (soldiers), December 21 sa Palompon Leyte @ Sobe Yourself Bar & Restaurant, December 25 Lucena (Their Family Reunions), December 30 Batangas City (tentative) Brgy location, at January 15 Batangas City Fiesta ng Bayan,” sabi pa ni Mojack.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …