SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
LIPA, isang lungsod sa Batangas na paboritong local destination ng may akda ng 60 Dream Holidays Around the World, si Ms Christine Dayrit. Ito ang naibahagi ng dating Cinema Evaluation Board (CEB) chair nang ilunsad ang librong koleksiyon ng kanyang mga travel article na lumabas sa The Philippine Star simula 2000, sa Cultural Centre of Lipa Lobby sa Lipa, Batangas noong Lunes, December 15, 2025.
Punompuno ng buhay at kasiglahan ang naganap na paglilimbag ng naturang libro na dinaluhan ng mahihilig sa kultura, sining, at paglalakbay. Dinaluhan ito sa pangunguna ni Lipa City Mayor Eric Africagayundin ng mga Lipueno na masugid na patron ng kultura, sining, at paglalakbay na sumasalamin sa lumalagong pagpapahalaga ng lungsod para a makabuluhang turismo at malikhaing pagpapahayag.
Kung bakit paborito niya ang Lipa, ani Ms Dayrit ay dahil sa Ijo. Ang Ijo Bakery ang tinutukoy ni Ms Dayrit na itinayo ng Michelin-trained pastry chef na si Joaquin Katigbak noong 2020, na nagsimula sa isang hamak na kusina sa bahay at naging isang lugar na puntahan para sa kanilang croissants. Bukod dito, nagse-serve rin sila ng ibang masarap na pastries, tulad ng tarts, brownies, at cookies, na ngayon bukod sa Lipa ay may sangay na rin sa Laguna.
“I love Ijo, it’s only one of it’s kind in the world eh. I traveled everywhere, it’s called the Viennoiserie, the others are Pâtisserie, there’s nothing that compare. So from Manila I come here just to buy the products. And I also like play golf, so I like to go to Malarayat (Mount Malarayat Golf and Country Club). The other favorite is The Farm at San Benito,” wika pa ni Ms Dayrit.
Isang pangunahing highlight nga sa paglulunsad ng libro ay ang tampok na artikulo sa kampanya ng turismo ng Lipa City, ang #EatPrayLoveLipa.
Sa kanyang talumpati, ibinahagi ng may akda ang kanyang holistic na karanasan sa paglalakbay sa Lipa City, isang nakapagpapayamang paglalakbay na nakasentro sa Eating, Strolling at Praying.
Ikinuwento rin ni Ms Christine ang pagtikim ng lokal na lutuin, masayang paglalakad sa lungsod, at pagbisita sa makasaysayang San Sebastian Cathedral, isang minamahal na espiritwal at kultural na landmark na rito ikinasal ang Star for All Seasons na si Vilma Santos kay Batangueno Ralph Recto.
Binigyang diin ng may akda kung paano nag-aalok ang lungsod ng Lipa sa mga manlalakbay ng kakaibang timpla ng faith, heritage, warmth, at leisure na ginagawa itong perpektong destinasyon para sa madamdamin at ‘di malilimutang mga karanasan.
“Dinala kami roon ni Joel (Joel Pena Umali, Presidente ng Lipa City Tourism Council, CEO ng Big Ben Complex) kasi we experience the #EatPrayLove when he first invited me. And so I found it’s so comprehensive, it’s so intimate. Anybody who comes here can avail of that. ‘Yung iba kasi pupunta ka sa fiesta, pahiyas or sa Bacolod, pero ilang araw lang iyon. Dito sa Lipa 365 days walang tulugan,” pagbabahagi pa ni Ms Cristine na nagustuhan din aniya, ang Casa de Segunda na pag-aari nina Segunda Solis Katigbak, Dr. Jose Rizal’s firs love na nagmula rin sa Lipa, Batangas.
Bukod sa Lipa, tampok din sa kanyang libro ang bayan ng kanyang ina, ang Capiz.
“My mom’s hometown province, Capiz is there tapos Amanpulo and there’s Bahay Artisano which belongs to Bea Zobel Jr, it’s her Bed and Breakfast tapos dalawang Boracay—Shangri La ang Crimson.”
Sinabi pa ni Ms Cristine na nag-travel siya sa loob ng 25 years at nakapagsulat siya ng 1,000 articles.
“Pero this book I only put it this year. All the travelling iyon ang matagal, ‘yung experiences. To choose out of 1,000 down to 60 hindi mahirap. Medyo mahirap not in the sense na may criteria ka, but I listen to my heart. In that sense it becomes easy, ‘di ba it’s all in the head, it’s all in the mind but once you use your heart it’s easy, no brainer,” wika pa ng may akda.
May 465 pages o apat na kilo ang bigat ng 60 Dream Holidays Around the World book. Mayroon din itong QR code na kapag in-scan ay mapupunta sa website ng particular destination.
Nang tanungin namin kung anong lugar pa sa Pilipinas ang hindi niya napupuntahan, ani Ms Dayrit, ang Mindanao. “I only went to Davao but not in Zamboanga kaya I want to go. Marami-rami pa.”
Bale six continents na ang napuntahan ni Ms Christine at next year, babyahe siya sa Antarctica para makompleto ang ika-seven continents. Sa kabuuan mayroong seven continents : Asia, Africa, North America, South America, Antarctica, Europe, at Australia (or Oceania).
Motto ni Ms Dayrit sa kanyang ginagawa, “Do things, even small ones, because they still matter. Every step, every adventure, adds meaning and color to life.”
Napag-alaman pa naming paboritong binabalik-balikan ng may akda ang Sapa, Vietnam.
Ang events ay inorganisa ng Lipa City Tourism Council sa pangunguna ni Mr. Pena sa pakikipagtulungan ng Lipa City Tourism Office sa pamumuno ni Aylene G Acorda na nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng lungsod na isulong ang Lipa bilang isang makabuluhang destinasyon sa paglalakbay.
Katulong din para maisakatuparan ang event ang Mikabelle’s Kitchen ni Marites Humarang, Lomi King, at IJO Bakery courtesy ng Big Ben na nakadagdag kasiyahan sa pagdiriwang.
Sa matagumpay na paglulunsad ng libro, higit na na-highlight ang Lipa City bilang isang magandang lugar para bisitahin ng mga manlalakbay na maaaring makaranas ng Pagkain, Pagdarasal, Pagbabahagi ng mga pakikipagsapalaran, at paglilibang kasama ang mga mahal sa buhay, tulad ng malinaw na karanasan at magandang isinulat ni Christine sa kanyang libro.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com