Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong entries sa 51st Metro Manila Film Festival na 15 taon na niyang nabuo ang konsepto ng pelikula. Marami na ring beses niyang inilako sa maraming producers. Bagamat marami naman ang nagka-interes, tanging si Sylvia Sanchez at sumugal at hindi siya nahirapang kumbinsihin na gawin ang pelikula.

Katwiran ni Sylvia, may best friend siyang Down Syndrome at pamangkin na may cerebral palsy.

Ang hinihiling ko lang talaga, magkaroon ng tamang producer for this kind of project,” ani direk Sigrid sa isinagawang mediacon noong Linggo ng hapon sa Gateway Cinema 16, Cubao.

Na-meet ni direk Sigrid si Sylvia ng Nathan Studios, Inc. at sinabi nito na interesado siya sa project.

Hindi agad naniwala ang direktor kay Sylvia hangga’t hindi sila nagsu-shooting. 

Nang makita ko itong project na ito, nang ibigay ko ‘yung tiwala ko sa project na ito, noong sinabi niya na ang mga bida ko ay persons with Down Syndrome, ibinigay ko nang buong-buo sa persons with Down Syndrome ‘yung puso ko, ‘yung tiwala ko. From day 1, hindi ako nag-alangan,” pagbabahagi ni Sylvia na halata ang panginginig ng boses.

Ang pelikula ay pinagbibidahan nina Earl Jonathan Amanda at Anne Krystel Daphne Go na parehong may Down Syndrome. Bukod kina Earl at Krystel, kasama rin sa cast ang iba pang persons with Down Syndrome na ipinakilala rin noong mediacon.

Ang I’m Perfect ay ukol sa pag-iibigan ng dalawang taong may DS, sina Jiro (Earl) at Jessica (Krystel).

“Noong time na bagsak ako, kaming lahat, ‘yung mga angel na ‘to… angels tawag ko, why? Six o’clock in the morning, ‘how are you mamang? Kumusta ang pamilya? Sabi ko, ‘naiintindihan ba nila mga nangyayari? Bakit alam nila?’ Alam mo, sabi ng mga magulang, ‘nagbabasa ng socmed ‘yan.’

“Pero hindi nila kami jinudge, tinanggap kami buong-buo ng mga batang ‘to,” naluluhang sabi ni Sylvia kaya hindi na napigilang maging emosyonal nang ibahagi ang ilang pangyayari na may pinagdaraanan ang kanyang pamilya na ang mga batang with Down syndrome na cast ng movie ang nagsilbing anghel sa kanila.

“Honestly, hindi ko alam kung tatangkilikin ito, hindi ko alam kung kikita ito. Pero matamis kong tatanggapin at buong-buo kong tatanggapin. 

“Kung hindi man kikita ito, buong-buo kong tatanggapin dahil ang kapalit ng pera, sampung anghel at mga magulang nila,” sabi pa ni Sylvia patungkol sa mga batang kasama nila sa pelikula.

Puring-puri naman ng iba pang kasama sa I’mPerfect tulad nina Janice de Belen, Lorna Tolentino, Tonton Gutierrez, Joey Marquez, at young actor na si Zaijian Jaranilla ang mga batang DS. 

Nasabi ni Tonton minsang mainterbyu ito na magagaling umarte ang mga bidang sina Earl at Krystel na hindi niya akalaing kaya ng mga ito ang umarte. 

First time umarte ang dalawa at iba pang kasamang ‘angels’ sa pelikula subalit naibigay nila ang hinihingi ni direk Sigrid kaya naman ganoon na lamang ang katuwaan nila sa mga ito.

Sa kabilang banda, nasabi ni Joey na tinanggap niya ang I’m Perfect dahil mayroon pala itong anak na may Down Syndrome. 

Ani Joey sa interbyu sa kanya ni Toni Gonzaga sa vlog nito.  “I’m proud of my daughter, she’s 32 years old now. She’s okay. She’s very normal.”  

Naibahagi rin ni Joey na umiyak siya sa first day shooting dahil sa maling perception ng mga tao sa mga may Down Syndrome. Inisip daw niya na normal kids ang mga batang cast na may ganoong estado at hindi siya nagkamali.

“Mali ang perception ng tao about them (DS),  I’d like to tell everybody ‘these are normal kids, treat them as normal.’

“Second is, kasi magagaling sila at kung ako ang judge and not being biased, to me they are the best actor and the best actresses,” wika pa ni Joey.

Palabas na sa December 25, 2025 in cinemas nationwide ang I’m Perfect. At ngayon pa lang sinasabi naming magdala kayo ng pampahid ng luha dahil tiyak hindi rin ninyo mapipigilan ang hindi maiyak sa oras na mapanood ninyo ang mga batang ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …