Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Naomi Marjorie Cesar Hussein Lorana SEAG
NAGKAMIT ng gintong medalya si Naomi Marjorie Cesar habang si Bernalyn Bejoy ay bronze medalist sa women’s 800-meter. Nagrehistro si Hussein Lorana ng oras na 1 minuto at 48.80 segundo upang masungkit ang gintong medalya sa men’s 800-meter. (POC Media pool photos)

PH tracksters Cesar, Loraña, winalis ang 800m para sa dalawang ginto

BANGKOK — Naghatid ng pambihirang tagumpay para sa Pilipinas ang SEA Games first-timer na si Naomi Marjorie Cesar sa athletics matapos masungkit ang gintong medalya sa isang kapana-panabik na photo finish sa 33rd Southeast Asian Games na ginanap sa Suphachalasai National Stadium.

Nagtala ang 16-anyos na si Cesar ng oras na 2:10.2 sa women’s 800-meter, tinalo ang Vietnam’s Thi Thu Ha Nguyen na nagtapos sa pilak matapos mag-oras ng 2:10.3.

Kinumpleto ng kapwa Pilipina na si Bernalyn Bejoy ang matagumpay na araw para sa mga Pilipino matapos masungkit ang bronze medal sa oras na 2:10.6.

“Napakaganda ng pakiramdam. Hindi na ako makahihiling pa ng mas magandang resulta at parang hindi pa rin ako makapaniwala, pero napakagaling,” pahayag ng 16-anyos na si Cesar, na nakababatang kapatid ng miyembro ng Philippine women’s football team na si Malea Cesar.

“Napakasarap sa pakiramdam. Karangalan para sa akin na katawanin ang bansa. Ang manalo ng ginto ay isang pangarap na natupad,” dagdag pa niya.

Kasabay niyang nagningning si Hussein Loraña, na nagtala ng oras na 1 minuto at 48.80 segundo upang masungkit ang gintong medalya sa men’s 800-meter, tinalo ang crowd favorite na si Joshua Robert Atkinson ng Thailand, na nagtapos sa pilak sa oras na 1:49.24.

Nakuha naman ni Wan Zahari Wan Muhammad Fazri ng Malaysia ang bronze medal matapos magtala ng 1:49.85.

“Sobrang unexpected po kasi kalaban ko ang pinakamabilis na runner sa Southeast Asia sa 800-meter at 400-meter. Sobrang hindi ko po inaasahan na mananalo ako sa event na ito,” pahayag ni Loraña. (POC Media Pool)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …