Monday , January 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
MMFF 2025 Movies

MTRCB ratings ng 8 pelikula sa MMFF inilabas

NATAPOS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), sa pangunguna ni Chairperson at CEO Lala Sotto ang pagrerebyu ng walong opisyal na pelikulang kalahok sa 2025 Metro Manila Film Festival (MMFF).

“Patunay ito ng aming dedikasyon at matibay na suporta sa mga lokal na pelikula sa pamamagitan ng pagbibigay ng angkop na klasipikasyon,” ani Sotto.

Karamihan sa walong pelikula ay nakatanggap ng G at PG, na nangangahulugang maaari itong mapanood ng mga bata basta’t may kasamang magulang o nakatatanda.

Ang romantic film na I’m Perfect, na idinirehe ni Sigrid Bernardo mula Nathan Studios, ay nakakuha ng G rating, na ibigsabihin, bagay sa lahat ng edad. Umiikot ang kuwento sa romantikong relasyon ng dalawang tao na may Down syndrome.

Ang comedy-drama na Bar Boys: After School, na sequel ng 2017 Bar Boys, ay rated PG. Tampok sina Carlo Aquino, Rocco Nacino, Enzo Pineda, at Kean Cipriano, sa direksiyon ni Kip Oebanda ng 901 Studios Inc. Tungkol ito sa kinahinatnan ng mga karakter pagkatapos ng kolehiyo. Ang PG rating ay nagpapahintulot sa mga edad 13 pababa basta kasama ang magulang o nakatatanda.

PG din ang rating ng Call Me Mother nina Vice Ganda at Nadine Lustre.

Ang Love You So Bad ay nakakuha rin ng PG rating na idinirehe ni Mae Cruz-Alviar at tampok sina Will Ashley, Dustin Yu, at Bianca De Vera. Co-produced ito ng ABS-CBN Film Productions, GMA Pictures, at Regal Entertainment. Umiikot ang kuwento ng isang dalagang nalilito kung sino ang pipiliin sa dalawang binata.

Rated PG din ang thriller na Manila’s Finest, na pinagbibidahan nina Piolo Pascual, Enrique Gil, Romnick Sarmenta, Ariel Rivera, at Joey Marquez na idinirehe ni Raymond Red. Nakasentro ito sa grupo ng mga pulis sa Maynila noong 1969.

Nakakuha naman ng PG ang Rekonek, na pinagbibidahan nina Gerald Anderson, Bela Padilla, Andrea Brillantes, Charlie Dizon, Zoren Legaspi, Carmina Villarroel, Cassy Legaspi, Mavy Legaspi, at Gloria Diaz.

Ang Unmarry, na pinagbibidahan nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo, at idinirehe ni Jeffrey Jeturian sa ilalim ng Quantum Films at Cineko Films, ay rated PG din. Tinutukan ng pelikula ang kuwento ng mag-asawang masalimuot na pinoproseso ang pagpapawalambisa ng kanilang kasal.

Samantala, ang horror anthology na Shake, Rattle and Roll: Evil Origins, na podyus ng Regal Entertainment at ika-17 sa naturang serye, ay rated R-13 na para sa edad 13 at pataas. 

Hinimok ni Sotto ang pamilyang Filipino na suportahan ang lahat ng pelikulang kalahok sa MMFFngayong Kapaskuhan at binigyang-diin na ang bawat kalahok ay nag-aalok ng kakaibang karanasan na nagpapakita ng yaman ng pagkamalikhain nating mga Filipino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …