Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rhodessa Montano Belen

Mrs. Asia Pacific Intercontinental 2024 Rhodessa Belen tinulungan Philippine Delegates; Korona ipinasa sa bagong reyna

PORMAL nang nagtapos ang reign ni Rhodessa Montano Belen bilang Mrs. Asia Pacific Intercontinental 2024 o sa ginanap na Mrs. Asia Pacific International 2025 sa Singapore at Malaysia. Ang coronation night ay ginanap noong Disyembre 6, na ipinasa ni Belen ang korona sa bagong Mrs. Asia Pacific Intercontinental 2025, si Usova Anastasiia Viktorovna mula Russia.

Ang pageant ay inorganisa ng Lumiere International Pageantry, na pinamumunuan ni Ms. Quek Siew Bee, CEO at Founder, na siya ring International Director ng Mrs. Asia Pacific International Pageant. Ang patimpalak ay nagdiriwang sa mga kababaihang may asawa mula sa buong Asia Pacific, na nagtataguyod ng pamumuno, adbokasiya, at layunin bukod sa kagandahan.

Bukod sa kanyang personal na tagumpay, nagsilbi rin si Belen bilang mentor at de facto national director para sa apat na Philippine delegates na kanyang personal na pinili at inihanda para sa international stage: ito ay sina Han Lamarroza – Mrs. Philippines Asia Pacific Global 2025; Angelica Faye Louisse G. Busante – Mrs. Philippines Asia Pacific Tourism 2025; Sunshine Dulay – Mrs. Philippines Asia Pacific All Nations 2025at Novelyn Natividad – Mrs. Philippines Asia Pacific Cosmopolitan 2025.

Sa international level, ang Top 5 Winners at Reign Court ng Mrs. Asia Pacific 2025 ay kinabibilangan nina: Han Lamarroza (Philippines) – Mrs. Asia Pacific Global 2025; Misa Sugitani (Japan) – Mrs. Asia Pacific All Nations 2025; Sunhi Kim (Korea) – Mrs. Asia Pacific Tourism 2025; Usova Anastasiia Viktorovna (Russia) – Mrs. Asia Pacific Intercontinental 2025at Novelyn Natividad (Philippines) – Mrs. Asia Pacific Cosmopolitan 2025.

Inilarawan ni Belen ang kanyang reign bilang “isang makabuluhang taon ng balanse, katapatan, at paglago.” Bilang ina ng tatlo—Braeden, Brentt, at Brienne—asawa ni Jason, at software/data engineer, matagumpay niyang pinagsabay ang pamilya, trabaho, at tungkulin bilang international queen. Binanggit niya na ang suporta ng kanyang pamilya ang naging susi sa kanyang tagumpay: “Ang aking asawa at mga anak ang aking pinakamatibay na sandigan, na nagbigay-daan para maabot ko ang aking pangarap habang nananatiling grounded.”

Ang mentorship ni Belen sa Philippine delegates ay nagbigay sa kanila ng mahalagang karanasan at pagkakataong ipakita ang talento ng mga Filipina sa international stage. Ipinahayag niya ang kanyang pagmamalaki sa mentees na nagpakita ng galing at determinasyon.

Ang korona ay hindi lamang simbolo ng tagumpay—ito ay tungkulin na magbigay-inspirasyon at maglingkod. Ikinararangal kong ipasa ito sa isang natatanging reyna mula Russia at masaksihan kung paano kinatawan ng mga Philippine delegates ang ating bansa ng may dangal at dedikasyon,” aniya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …