SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
TAMPOK sa huling Spotlight Presscon ng 2025 ang mga Star Magic artist na mapapanood sa nalalapit na Metro Manila Film Festival. Kabilang sina Francine Diaz at Seth Fedelin-dalawa sa mga bida ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins.
Matapos manalo bilang Movie Loveteam of the Year sa 41st PMPC Star Awards for Movies para sa My Future You, balik sa big screen ang tambalang FranSeth para muling magpasaya sa darating na Kapaskuhan.
“From ‘My Future You’ na wala kami masyadong in-expect. Gusto lang talaga namin noon na ma-appreciate ‘yung ginawa namin lahat ng pinaghirapan namin para sa pelikula. Sabi nga namin last year, audition ulit namin ito sa lahat ng mga tao… Kailangan gagalingan natin,” pagbabahagi ni Francine.
“And now, balik ulit ng MMFF, this time ‘Shake, Rattle & Roll’ naman. It’s a legacy hindi lang ng Regal pero tingin ko buong Pilipinas- bawat pamilyang Pinoy. And now parte na kami ng legacy na ‘yun,”dagdag pa.
Malaki ang inaasahan mula sa dalawa, lalo na matapos ang kanilang standout performance sa kanilang recent project na Sins of the Father. Isa rin sila sa mga well-established loveteam ngayon na patuloy na minamahal at sinusuportahan ng publiko.
Nagbahagi rin si Seth ng kanyang pasasalamat: “Gusto ko lang magpasalamat sa ABS-CBN, sa Star Magic family, and to Regal Entertainment dahil sa kabila ng lahat ng pagsubok, problema, at lahat ng sa tingin namin hindi namin kaya solusyonan, hanggang ngayon, nandiyan pa rin silang nakasuporta sa amin.”
Ngayong holiday season, tiyak muling maghahatid sina Francine at Seth ng saya para sa mga Filipinong manonood.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com