Monday , January 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joey Salceda

Salceda: Diskarteng magliligtas sa maraming buhay laban sa nagbabantang kalamidad batas na ngayon

NAGPAHAYAG ng kasiyahan si dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda dahil batas at pambansang alituntunin na ngayon ang “Declaration of State of Imminent Disaster Act” o RA 12287, ang isang diskarte o estratehiyang unang ipinatupad nila sa kanyang lalawigan na tiyak na mabisa at magliligtas ng maraming buhay sa bansa.

Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang RA 12287 nitong nakaraang Setyember 12. Ginawa nitong alituntunan na ang mga pangunahing hakbang bilang bahagi ng tinatawag na “Disaster Risk Reduction and Management system.” Nagsimula ito sa mga inisyatibong nakapaloob sa “Zero  Casualty Doctrine” ng Albay, bukod sa iba pa, na ipinatupad sa naturang lalawigan nang Gubernador nito si Salceda noong 2007 hanggang 2016.

“Ang ‘doctrine of anticipatory action’ ay isinasagawa habang nagbabanta pa lamang ang isang kalamidad, at hindi matapos itong manalasa. Pinasimulan naming ito sa Albay at napatunayang mabisa sa pagligtas sa maramig buhay. Ang naturang paghahanda bilang tugon sa nagbabantang  kalamidad ang buod at nasa puso ng tinatawag naming ‘Albay’s Zero Casualty Doctrine,” paliwanag ni Salceda.

Ayon kay Salceda, una nila itong ipinatupad sa Abay noong Setyember 2007 sa ilalim ng “joint memorandum circular” ng “Department of Budget and Management (DBM), Department of Interior and Local Government (DILG) and Office of Civil Defense (OCD).”

Binibigyan ng RA 12287 ang Pangulo at mga “local government units’ chief executives” na magdeklara bg “state of imminent disaster” sa mga pamayanang inaasahang sasalasain ng mga kalamidad upang mabigyan ng pagkakataon ang mga pinuno nila maihanda ang kanilang mga “resources,” maglabas ng mga kaukulang kautusan at mailikas ang mga mamamayan bago pa humagupit ang mga kalamidad.

Binibigyan din ng RA 12297 ang Pangulo at pinuno ng mga pamayanan na magdeklara ng “State of Imminent Disaster” batay sa rekumendasiyon ng “National Disaster Risk Reduction and Management Council” at mga lokal nitong katapat na mga ahensiya batay sa ginawa nilang “pre-disaster risk assessments” na dapat magtaglay ng maaaring resulta ng kalamidad at aupisyenteng panahon para mapaghandaan ito mula tatlo hanggang limang araw.

Kapag may deklarasyon na ng “State of Imminent Disaster,” ang pambansang pamahalaan at mga LGU nito ay maaaring pakilusin na ang kanilang mga “resources” at mga mekanismo upang ipatupad na ang binalangkas nilang mga hakbang sa loob ng nakatalagang panahon.

Bilang unang lalawigang nagpatupad ng naturang diskarte, paulit-ulit na napatunayan na ng Albay ang bisa naturang mga estratehiya. Noong 2009, idineklara ni Salceda ang napipintong pagsabog ng Mayon Volcano at naipatupad ang inihanda nilang hakbang, kasama ang paglikas ng mga mamamayan sa nanganganib na mga bayan kaya nailigtas ang maeaming buhay.

“Mahalaga iyon dahil matindi ang banta at kailangang gamitin ang pera ng bayan upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan,” dagdag na paliwanag ni Salceda.

Kaama rin sa mga probisyon ng RA 12297 ang mga panukalang nakaploob sa panukalang “Department of Disaster Resilience bill,” na naglalayong isagawa ang akmang mga hakbang bago pa manalasa ang nagbabantang mga kalamidad.

“Nagpapasalamat at itinuturing kong malaking utang na loob sa Kongreso at kay Pangulong Marcos ang pagsasabatas ng RA 12287 dahil sa ang pinasimulan naming pagbalangkas ng mga hakbang na akmang tugon sa banta ng mga kalamidad na pinasimulan namin sa Albay ay isang pambansang  alituntunin na ngayon at makakatulong sa marami pang mga lalawigan at pamayanan,” dagdag niya.

“Matagal nang naging laboratoryo ng Pilipinas ang Albay kaugnay sa “disaster risk reduction.” Patunay ang RA 12287 sa mga aral na natutunan sa aming lalawigan na magbibigay hugis sa mga pambansang alituntunin. Inaasahan kong magliligtas ito ng maraming buhay sa hinaharap,” patapos na pahayag ni Salceda.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …