Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Hiro Magalona Ica Aboy Peralta Fire

Hiro at asawa muntik nang mamatay sa sunog

MATABIL
ni John Fontanilla

MUNTIK-MUTIKAN nang mamatay ang aktor na si Hiro Magalona at ang misis nitong si Ica Aboy Peralta nang ma-trap sa kanilang condo na nasa 7th floor sa Suntrust Shanata Condominium noong September 22 ng madaling araw.

Ani Hiro, “Nasunugan kami tito, kaninang umaga, muntikan kami mamatay ni Ica.

Bale na trap po kami. Sa bilis ng pagkalat ng apoy, may unit po na nasunog sa 7th floor, buong hallway.

“Natutulog pa kasi kami mga madaling araw nagsimula ‘yung sunog at hindi gumana ang fire alarm. Paggising namin malaki na na ‘yung sunog kaya na-trap kami,” pagbabahagi ni Hiro.

Nasugatan si Hiro dahil sa sunog.

May mga injuries po ako, mabuti na lang si Ica wala po.

“Mabuti na lang na-rescue kaming dalawa, kung hindi baka patay na kami pareho.”

Sa ngayon ay under investigation kung ano ang dahilan ng sunog.

Buong 7th floor ay nasunog kasama ang unit nila Hiro, kaya naman  buong ari-ariang naipundar nilang mag asawa ay parang bulang naglaho.

Naiiyak ako tito, parang back to zero po kami, lahat natupok ng apoy.

“Ang ipinagpapasalamat ko na lang sa Diyos na buhay kaming mag asawa,” wika pa ni Hiro.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …