Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marikina

Marikina ex-congresswoman may proyektong P180-M sa mga kompanya ng Discaya

NABATID na si dating Marikina City 2nd District Rep. Stella Quimbo ay nagpatupad ng apat na infrastructure projects sa kanyang distrito katuwang ang mga kompanyang pagmamay-ari ng kontrobersiyal na mga kontraktor na sina Cezarah Rowena alyas Sarah at Pacifico “Curlee” Discaya.

Batay sa mga nakalap na rekord, ang mga proyekto ay iginawad sa mga kompanyang konektado sa Discaya, kabilang ang Great Pacific Builders and General Contractor Inc., JMLR Construction and Supply, St. Gerrard Construction General Contractor and Development Corp., VPR General Contractor and Construction Supply Inc., at Alpha and Omega General Contractor and Development Corp.

Pinangunahan ng Great Pacific Builders ang konstruksiyon ng box culvert sa Rainbow Street (P41,878,276.31) at Zenaida Subdivision (P35,355,782.73), kapwa matatagpuan sa Brgy. Concepcion Dos.

Inendoso ni Quimbo ang pagpapatayo ng slope protection sa kahabaan ng Balanti Creek sa Katipunan Extension (P56,741,661.01) at pagpapaganda ng Balanti Creek (P46,353,618.68).

Ang mga proyektong may kabuuang halaga na ₱180 milyon ay pinondohan noong 2022 at 2023, sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang vice chairperson ng House Committee on Appropriations.

Nagsilbi si Quimbo bilang kinatawan ng 2nd District ng Marikina mula 2019 hanggang 2025. Tumakbo siya bilang alkalde noong 2025 ngunit natalo.

Bilang vice chairperson ng Committee on Appropriations, nagkaroon siya ng mahalagang papel sa pagbabalangkas ng pambansang badyet para sa 2025 at kalaunan ay humalili bilang chairperson ng komite matapos ang pagbibitiw ni Ako Bicol Rep. Zaldy Co.

Kasama rin siya sa small committee na tumanggap ng mga insertion mula sa mga mambabatas sa proseso ng budget. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …