MATABIL
ni John Fontanilla
GAME na game at very honest na sinagot ni Cherry Pie Picache ang maiinit na tanong patungkol sa dati nitong karelasyon na si Edu Manzano.
Natanong sa aktres kung nagla-like ba siya sa mga post ni Edu sa social media at nagkikita pa ba sila?
Mabilis na sinagot ni Cherry Pie ito ng, “Oo, pero depende sa ipinu-post.”
Dagdag pa nito, “We saw each other there. We went out. And it felt good after, what, two and a half years na halos hindi kami nagkita.
“Nagkita kami sa event ng Film Development Council of the Philippines (FDCP). Ito ‘yung nagsama-sama ‘yung Film Academy of the Philippines (FAP) at Mowelfund.”
At kahit na nga hindi sila nagkikita ay nagme-message naman sila sa isa’t isa
“We still message, birthday niya noong September 14, so I greeted him. Hanggang doon lang.
“Hindi lang siguro nagkaroon ng chance na nagkakataon na. I mean, nagkaroon ng chance na magkita, pero okay na kami.”
Until now ay single pa rin si Cherry Pie at handang-handang umibig muli sa tamang oras at panahon.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com