MATABIL
ni John Fontanilla
EMOSYONAL at naiyak si Will Ashley sa pagdiriwang ng kanyang 23rd birthday nang sinorpresa siya ng kanyang mga tagahanga.
Sa kanyang kaarawan ay nagdala ang ang mga ito ng regalo, sulat na nang mabasa ni Will ay sobramg na-touch na naging dahilan para maging emosyonal atdi napigilang maluha.
Sa kanyang X (dating Twitter) bago sumapit ang kaarawan niya ay nag-post si Will na hindi siya nakakaramdam ng excitement, hanggang sa buksan niya ang mga regalo at sulat mula sa kanyang mga tagahanga. Nabago ang lahat.
“Guys… I’m literally crying right now. Binubuksan ko mga gift ninyo. Sobrang happy ko. Hindi niyo kailangan but, for the past few days hindi ko maramdaman ‘yung birthday ko for some reason. But now, sobra-sobra ‘yung kasiyahan ko reading all your letters na ibinigay niyo. Mahal ko kayong lahat,” ani Will.
At ang nasabing post ni Will ay sobrang nagpasaya sa kanyang mga tagahanga at isang nga rito ang nagbigay ng mensahe kay Will.
“You deserve all the love kasi napakabuti mong tao and we can’t wait na mas dumami pa ang sumusuporta sayo. Deserve mo lahat yan ano ba? HABADU WILL ASHLEY.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com