Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marlo Mortel POV Band

Marlo Mortel, may bagong album mula Star Music

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAY bagong album na lalabas si Marlo Mortel under Star Music. Bale ito ang second album ng singer/actor.

Aktibo ngayon si Marlo sa kanyang pagiging musician, kasama ng banda niyang Marlo Mortel and the POV Band. Mapapanood sila sa District One sa BGC and TakeOver Lounge, Katipunan.

Bukod sa balitang ito, maraming dapat abangan sa kanya, na very soon ay malalaman din ng fans and socmed followers ni Marlo.

Kuwento niya sa amin sa FB, “Second album ko po ito under Star Music, ten tracks ito at ako ang nagsulat ng eight songs dito. Yes digital ito, ang release ng album ay sa September 19.”

Ano ang title ng new album niya?

“Secret pa po iyong title ng album,” matipid na tugon ni Marlo, sabay tawa.

Parang mas focus ba siya ngayon sa kanyang singing career, kaysa sa pagiging actor?  

Tugon niya, “Yes, sa ngayon ay mas focus ako sa music. Pero nagbalik acting na rin ako last month lang. Nagte-taping na ako for What Lies Beneath. May nag-leak na rin kasi na kasama ako roon sa cast.

“So yes, kasama ako roon, hindi ko pa lang puwedeng i-disclose iyong character ko. But it’s a series under ito sa ABS CBN. Kasama ko sa serye sina Janella Salvador, Charlie Dizon, Kaila Estrada, at Sue Ramirez.”

Pagpapatuloy na tsika pa niya, “Pagdating sa mga singles ko, ang pinakabago ko ay iyong Mayakap Kang Muli, it’s an independent song. But iyong album ko, iyong sampung tracks doon, kasama iyong isa kong single na Huling Ngiti.

“Iyon ang song na ginawan ko ng music video, ako ang nag-co-produce at nandoon si Janella (Salvador) as my partner.”

Dagdag pa ni Marlo, “Sa mga gigs naman, lagi kaming puno ng band ko kapag nag-gi-gig. And may mga upcoming din kami, mga twice a month kaming naggi-gig.

“Tapos, may mga upcoming pa ako na mga mangyayari sa career ko, pero hindi pa po puwedeng i-disclose,” pakli pa niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …