Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Love Sessionistas The Repeat  Ice Seguerra Juris Nyoy Volante Sitti Kean Cipriano Princess Velasco Duncan Ramos

Love Sessionistas, gabi ng musika at pagkakaibigan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

SA ikatlong pagkakataon, muling mapapanood ang Sessionistas sa kanilang Love Sesssionistas: The Repeat sa October 18, 2025, The Theatre at Solaire. Hindi naman nakapagtataka na mula sa una nilang pagtatanghal noong Pebrero 8, 2025 ay nasundan pa noong Abril 4, at ngayon sa Oct 18.

Kakaiba ang musikang handog ng Sessionistas na binubuo nina Ice Seguerra, Juris, Nyoy Volante, Sitti, Kean Cipriano, Princess Velasco, at Duncan Ramos dagdag pa ang basagan ng trip o kulitan na makare-relate ang magbabarkada.

Pamilya na kasi ang turingan ng pitong magagaling na singer na nakikita rin sa kanilang musika. Kung paano sila mag-blend o magbigayan sa kanilang mga kanta. Actually, isa ang Sessionistas sa inaabangan namin noon sa ASAP. Iba talaga kasi ang galing nila.   

Kaya naman ganoon na lamang ang kanilang tuwa na bagamat matagal-tagal silang nawala sa ASAP ay kinasabikan pa rin sila. Hindi nga lang once, at nadagdagan pa nang nadagdagan ang kanilang concert na posibleng umabot pa abroad. Kaya watch for it guys. Hindi malayo na mag-concert sila abroad, sabi nga ng CEO ng Fire and Ice LIVE producer nilang si Liza Dino-Seguerra.

Sabi nga ni Ice, sobrang excited sila sa ipinakikitang suporta ng fans ng Sessionistas. “Sobrang excited kami. Kasi, honestly, just the fact na magkakasama lang kami, masaya na.

“Pero ito, since nagagawa pa namin ‘yung sobrang mahal namin, which is pagkanta, tapos nakikita pa namin na ‘yung mga taong nanonood sa amin ay hindi lang nag-e-enjoy pero bumabalik at bumabalik.

“Sobrang nakatataba ng puso. Kasi, matagal na ring — before this concert — wala nang Sessionistas, ‘di ba? So, ilang years na rin iyon na wala kaming something na ginagawa together. So it just feels so good na after a long time, after ten years… kahit noong pagbalik namin, andoon pa rin sila (fans).

“Ramdam na ramdam mo pa rin ‘yung pagkasabik nila. So, masarap lang sa pakiramdam.

“Kasi, kung gaano kami kasabik mag-perform as a group, ganoon din sila kasabik sa amin.”

Aminado naman si Sitti na malaking blessing sa Sessionistas na magkasama-sama ilang muli.  “Tapos to be grateful, kasi parang after ten years, parang walang nangyari… ten years na separation.

“So, ‘yung friendship, nandoon pa rin. ‘Yung barahan, nandoon pa rin.

“And ang sarap i-share na hindi lang ‘yung music namin individually and collectively as a group, but also the friendship that we have. I think that’s what makes Love, Sessionistas special.”

At dahil dalawang beses na silang nag-concert, natanong sa pitong singer kung gaano sila katiwala na papasukin pa rin sila ng madlang pipol.

“Ako, parang ano, nakakonek kasi dahil feeling ko, parang mayroon kaming…parang totoo na siya.

“Parang hindi lang siya special project na dalawang beses ginawa.

 “Iba-ibang personalities, iba-ibang tugtugan. Tapos gagawin namin sa stage.

“Kasi more than the music, ‘yung friendship. Parang pakiramdam ko, kumbaga, magkita-kita tayo ulit. Andami nating life experiences na ibinahagi sa isa’t isa.

“And I don’t think na kakayanin ko ‘yung ibang mga pinagdaanan ko sa buhay kung without these guys. So I’m just really thankful na I’m part of this.

“And gagawin namin siya nang paulit-ulit, and naglu-look forward ako na gagawin talaga namin siya further,” wika ni Kean.

“I personally feel very fortunate to be part of Sessionistas…Talagang the friendship, all the experiences we had together, the seasons of our lives na parang nagtugma-tugma.  

“Kaya ako, hindi ako kinabahan. Na-excite ako actually. Kasi I’m sure na it’s gonna be a wonderful show once again,” susog naman ni Princess.

“Obviously we’re very happy to be working with each other everytime we get the chance.

“Mayroon kaming sari-sariling buhay, career. Pagkatapos ng isang concert, the last two, masaya kami. Pero tapos na. Kumbaga, balik na. Balik na tayo sa mga kanya-kanyang mga trabaho natin.

“And then, we got the news na parang, ‘Ohh we’re doing it again!’ And everytime we get that, the information na may isa pang ano, may isa pang ‘Love, Sessionistas,’ we’re always very happy.

“But I would also like to inform everyone that hindi siya the same show. It’s going to be something new everytime.

“The first two, may kinalikot kami. May bago na namang gagawin. And honestly, ayoko sana na may bagong sayaw pero may bago na naman daw sayaw, sabi ni Direk (Ice)!” sambit naman ni Nyoy.

“I think that’s what makes every Sessionistas show special,” ani Ice. “Ako, personally sa akin, kasi ngayon, since may sari-sarili nga tayong mga career, may sari-sarili tayong mga buhay, parang everytime we get to do a show together, para siyang alam mo ‘yung feeling na, ‘Pare, may ano, may lakad ‘yung tropa.’

“Alam mo ‘yung ganoon? ‘Uy! Sige, sige!’ Ganoon ang pakiramdam ko. ‘Yung parang I also look forward to it, kasi it doesn’t feel like work at all.

“Kahit may kaakibat na pagod, para kaming isang nag-e-excursion na tropa papuntang Pansol. Tapos magvi-videoke kami,” dagdag pa ni Ice.

At hindi nga dapat mangamba sina Ice, Juris, Nyoy, Sitti, Kean, Princess, at Duncan kung papatok pa muli ang ikatlong concert nila this year dahil inihayag ni Liza sa isinagawang mediacon noong Martes, Sept. 16 na almost sold out na ang tiket.

Kaya sa gustong humabol para mapanood ang Love, Sessionistas: The Repeat kuha na ng tiket sa Fire and Ice LIVE! tumawag sa (0917) 877 1758 o i-visit ang kanilang Facebook at Instagram page.

Tiyak na isa na namang unforgettable night ito ng magagandang musika, pagkakaibigan, at pagsasama-sama. Love Sessionistas: The Repeat, October 18, sa The Theatre at Solaire . 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …