MATABIL
ni John Fontanilla
ABALANG-ABALA ang dancer/actor na si Klinton Start dahil bukod sa kanyang showbiz career ay balik pag-aaral ito para sa kanyang ikalawang kurso.
Kumukuha ng Profesional Teaching Certificate at Digital Marketing sa UP, Los Ban̈os si Klinton at abala rin sa promosyon ng mga pelikulang palabas na sa sinehan, ang Aking Mga Anak, at sa Netflix, ang Kontrabida Academy na mayroon siyang cameo role.
Nakatakda rin itong mag-host ng isang malaking dance show sa telebisyon na mapapanood bago matapos ang taon.
Very thankful ang tinaguriang Supremo ng Dance Floor dahil suportado siya at laging nasa tabi niya ang dalawa sa pinaka-importanteng tao sa buhay niya, sina Ann Malig Dizon at Haye Start na tumatayong guardian niya.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com