Wednesday , January 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sexbomb

Sexbomb Girls may reunion concert sa Araneta 

MATABIL
ni John Fontanilla

MAGRE-REUNION ang sumikat na all female group, ang Sexbomb Girls sa pamamagitan ng isang big concert sa Araneta Coliseum sa December 4, 2025.

Ito ang inanunsiyo ng isa sa original member ng Sexbomb, si Rochelle Pangilinan.

Post nito sa kanyang FB, “Para sa mga pinalaki ng Sexbomb!”

Kasabay nito ang isang teaser video ng grupo para sa nalalapit nilang concert.

Ilan sa super hit songs ng Sexbomb ang The Spageti Song, Halukay Ube, at Bakit Papa?

Sumikat ang Sexbomb Girls sa Eat Bulaga na Monday to Saturday sila napapanood. Hangang mula sa pasasayaw at pagkanta ay pinasok din nila ang pag-arte via Daisy Siyete.

Ang Sexbomb Girls ay alaga ng kaibigan naming si Joy Cancio na dating member ng sikat na dance group na Vicor Dancers.

At bago sumikat ang grupong BINI ay naunang sumikat ang Sexbomb Girls.

At sa post na ito ni Rochelle, maraming netizens ang na-excite at may kanya-kanyang komento, ilan dito ang sumusunod:

“OMG !!!  manononood ako.”

“Ang Saya.”

“Ay wow natupad din ang pangarap ng mga batang 90’s na makapag concert ulit ang Sexbomb Dancwrs.”

“The real OG’s.”

“Bakit pakiramdam ko obligado manood generation namin? Hahahah. Let’s gooooooo.”

“Sa mga bagets, pls paunahin nyo na kaming mga tito at tita nyong trentahin sa tix ah? (Awa na lang).”

“OH MY GOSH!!! THE LONG WAIT IS OVER NA TALAGA!!! THE OGs ARE BACK! DAISY SIETE BABIES, LET’S GO!”

“Grabe goosebumps!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Maricar Aragon

Benefit concert ni Maricar Aragon matagumpay

MATABILni John Fontanilla DINUMOG ang kaatatapos na benefit concert ng singer na si Maricar Aragon, ang Me …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley napakahusay sa Bar Boys: After School 

MATABILni John Fontanilla ISA sa hinangaan sa entries ngayon sa Metro Manila Film Festival 2025 ay ang …

Kathryn Bernardo Mark Alcala

Kath at Marc magkasama noong New Year

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HAYAGAN na ang pagkukompara ng mga netizen kina Kaila Estrada at Kathryn Bernardo. May …

GMA ABS-CBN TV5

TV5, GMA, ABS-CBN game na game sa labanan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXCITING nga ang TV network wars this 2026. Sa aminin man …

MMFF 2025 Movies

MMFF entries bigong maabot bilyong kita sa takilya

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HAPPY New Year mga Ka-Hataw. Nakaka-sad naman ang balitang five days …