MATABIL
ni John Fontanilla
MUKHANG lucky year para kay Ralph Dela Paz ang 2025 sa dami ng proyektong ginagawa.
Nasa ikatlong linggo na sa pagpapalabas sa ilang sinehan nationwide ang advocacy film na
Aking Mga Anak ng DreamGo Productions, sa direksiyon ni Jun Miguel, na ginampanan ni Ralph ang role na Noah, isang mabait na kaibigan.
Nakatakda namang ipalabas ang isa pang pelikula na ginawa nito ang, Arapaap ni Direk Romm Burlatna kabituin ang child star na si Elia Ilano.
Ginawaran din ito ngayong taon sa The Asia-Pacific TopNotch Men & Women Achievers 2025 bilang TopNotch Young Actor of the Year at ngayon ay nagsu-shooting ng isa pang pelikula, ang Reskyuna ginagampanan naman ang role bilang Ron.
Nakasama rin ito sa seryeng FPJ’s Batang Quiapo bilang bestfriend ni Albie Casino at abala rin bilang CEO & President ng kanyang negosyo, ang Siomura (Fried Noodles and Siomai).
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com