ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
NAGSIMULA na ang pag-ere ng seryeng “Para Sa Isa’t Isa” ng TV5 last September 13. Ito ay isang light fantasy-drama tampok sina Krissha Viaje at Jerome Ponce.
Isa sa casts dito si Xia Vigor at aminado ang magandang teen actress na na-miss niya ang paggawa ng teleserye.
Aniya, “Finally po, after nine years ay magteteleserye ulit ako. Kasi ang last ko pa pong teleserye ay sa ABS CBN pa, iyong Langit Lupa. Ngayon naman po ay sa TV5 na. Nag-start na po ito noong September 13, mapapanood ito every Saturday, 5:30 pm po.
“So, excited po ako rito kasi mahabang proseso po ang pinagdaanan bago nabuo ito dahil sa mga schedules po ng ibang cast na conflict sa shooting dates.”
Dagdag ni Xia, “Ang role ko po rito ay kapatid ni Kuya Jerome… dito po ay isa akong normal na teenager and I feel na marami pong makare-relate sa character ko rito dahil ibina-balance ko po iyong family life ko and iyong school life.”
Isang ganap nang dalagita ang dating child star at nabanggit niya na happy siya sa nangyayari sa kanyang showbiz career.
Pakli ng tisay na bagets, “Masaya po ako na parang unti-unti po akong nakababalik ulit sa showbiz, with like may mga new projects. Thankful po ako sa Viva, for giving me the chance ulit.”
Tampok din sa serye sina Andrea del Rosario, Charles law, Vandolph Quizon, Francis Magundayao, Paulo Angeles, Anna Luna, Bob Jbelli, Kelley Day, at Bobby Andrews.
Ang partner niya sa serye ay si Charles Law, mayroon bang aabangang kilig moments sa kanilang dalawa ang viewers ng kanilang serye?
Pahayag ni Xia, “May mga pakilig na rin po sa role namin ni Charles dito. Ang interesting kasi po, sa una ay kaaway ko siya kaya may ganoon din pong twist.”
“Ang galing po ng direktor namin, si Direk Easy Ferrer kasi ay pet project niya po ito. He loves time travel films, kaya makaaasa po ang viewers ni Direk Easy na he will create a masterpiece sa serye na ito!” Nakangiting pahabol pa ni Xia.
Bilib din kami kay Xia kung gaano niya kamahal ang mundo ng showbiz. Dahil one time ay nabanggit niya sa amin na may choice siyang mag-aral sa England, ngunit mas pinili niyang manatili sa Filipinas at ipagpatuloy ang kanyang career sa showbiz.
Esplika niya, “Si Mommy, she always gives me the option naman to study sa UK. Pero hindi ko po talaga maiwan ang showbiz, parang naging part na po siya ng buhay ko.
“Kasi since bata pa po ako, parang I don’t remember a life na wala iyon. Pero I plan naman po to study siguro sa university in the future.”
Anyway, balita din namin na very soon ay sasabak na si Xia sa pagiging recording artist sa Viva. Plus, may iba pang projects na talagang kaabang-abang at deserved ng talented na bagets.
Kuwento sa amin ng mother niyang si Ms. Christy Bernardo, isa sa gagawing projects ng kanyang anak, “Xia’s excited that it will all be happening sa generation nila sa showbiz.
“Mga bagong sisibol na artista aiming to target global audience not just Philippines dahil magagaling ang Pinoy sa entertainment kaya we have to represent our country din sa global market and we can also have a slice of that audience to help elevate our film industry.
“Because for so long, Philippine market lang lagi ang target audience… and this movie na gagawin po ni Xia, hopefully she can breakthrough and very timely na may dumating na ganitong opportunity, na hopefully we can lure the global film market to also appreciate Filipino artists and later on, Philippine made films.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com