SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
MAGPAPASIKLAB ng galing sa pagkanta ang aktres na si Rhian Ramos sa That’s Amore, A Night At The Movies concert na gaganapin sa Nobyembre 9, 2025 sa Aliw Theatre, Pasay City.
Ang That’s Amore, A Night At The Movies ay ang third annual concert ng RMA Studio Academy na ang punong-abala ay ang artistic director at vocal coach na si Jade Riccio.
Ito ang ikalawang pagkakataong magpapakitang-galing sa pagkanta ang aktres. Last year ay duet sila ng best friend niyang si Michelle Dee at this year, may solo number sila kapwa.
Kaya naman natanong namin ito kung ano ang range ng boses niya. Na tinanong naman niya sa kanyang voice coach na si Jade. Hindi halos makapaniwala ang aktres sa tinuran ni Jade. Soprano.
“Soprano pala ako sabi ni Jade. Hindi ko alam kaya tinanong ko, ha ha ha,” natatawang tsika sa amin ni Rhian.
Laging suportado ni Rhian ang concert ng RMA Studio Academy pero hindi pa niya alam kung ano ang kakantahin niya sa Nov. 9 dahil hindi pa sila nagre-rehearse.
Pero sobrang excited si Rhian sa concert.
Magpapasiklab din sa That’s Amore, A Night At The Movies sina Jose Mari Chan, Zia Dantes, Tali Sotto, Scarlet Snow Belo, Vivoree Esclito, Michelle Dee, Maymay Entrata, at Ina Raymundo.
Kasama rin sina Pepe Herrera, Renzo Jaworski, Amari Sotto, Jema Galanza Imogen, Rain Celmar,at John Arcenas.
Bahagi ng kikitain ng konsiyerto ay ido-donate sa Autism Society of the Philippines(ASP).
“We keep just elevating. And we keep growing. So this year, we have 45 performers. We are gonna be doing solos, duets, a lot of medleys. Medley being three songs on one arrangement,” sabi ni Jade.
Para sa ibang detalye ukol sa musical extravangaza, makipag-ugnayan kay ms Veronica Ramos-Baun sa 0918-8133333 o magpadala ng email sa [email protected].
Samantala, dahil mainit ang usapin ukol sa flood control projects, nepo baby, natanong ito ukol dito lalo iyong pagpo-post ng mga travel abroad at pagpi-flex ng mamahaling gamit.
Ani Rhian, hindi siya ma-post sa mga mamahaling gamit na mayroon siya maliban sa kanilang travel abroad at mga ineendosong produkto.
Kaya naman nasabi ni Rhian na, “Hindi ako guilty kasi lahat naman ng mayroon ako ngayon ay galing sa hard earned money ko. Lahat ng nakikita sa akin ay pinaghirapan ko.”
Apektado naman siya sa nangyayaring korupsiyon sa bansa. Aniya, “I am vey emotionally affected because nakagagalit talaga lahat ng nangyayari. You know, this is also why I was very hesitant noong tatakbo si Sam because I grew up in the Philippines where alam mo ‘yun, being in the government is synonympus almost with corruption.
“And as we should, because this conversation has been a long time already. I’ve been hearing the word ‘corruption’ since Ia was a toddler. I think it’s a good thing tha all of this is coming out.”
Sa kabilang banda, sobrang proud si Jade sa kanyang mga bagets na tinuturuan tulad nina Zia na anak nina Marian at Dingdong Dantes, Tali na anak nina Vic at Pauleen Sotto, at Scarlet Snow na anak nina Dr Vicki Belo at Hayden Kho.
“She became my student since two years ago. And the, of course she started with a very beautiful voice already. The vocal is there. Talaga namang she sounds very international. She has a certain vocal quality or vocal temperament as we call it na so special,” ani Jade ukol kay Zia.
Hard working at mabilis namang pumik-ap si Tali. Ani Jade, “She has like a mind of a sponge. Everytime I tell her something, she picks up so fast. kahit na isang session pa lang, nakukuha na niya. And the first session, I never had this with anybody, her very first session, nakuha niya agad kung paano iyong vibrato sa boses.
“And that was a very first time experience for me. Sabi ko, magaling talaga ‘yung tenga niyong bata.”
Kakaibang bata naman si Scarlet ani Jade. “Meaning, she knows what she wants. She knows what she doesn’t want. So for me to asked her to be part of the concert, talaga namang napaka-big deal for me na napa-oo ko ‘yung bata.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com