MATABIL
ni John Fontanilla
VERY talented ang teen actress na si Ella Ecklund, 14, isa ring modelo at singer.
Si Ella ay hawak ng Seattle Talent Agency and Global Image na nasa California.
Ngayon ay nasa bansa si Ella para subukan ang suwerte sa local showbiz.
Nakagawa na rin ito ng short films, ang Mga Kwento ni Ella ng Cinemyr Film
na mapapanood sa Youtube.
Naging front act na rin ito ng mga show nina Gabby Conception, Pops Fernandez, Sofronio Vasquez, Gino Padilla atbp.
Nakapag-modelo na rin ito sa mga designer tulad nina Carl Andrada, Alejandro, Alejandro, kiel Ortega, at Macy’s.
Idolo ni Ella si Kathryn Bernardo dahil mahusay itong umarte at napaka-wholesome. Sana nga ay makatrabaho ito ni Ella in the near future.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com