MATABIL
ni John Fontanilla
NASA bansa ngayon ang Pinay International singer na si Jos Garcia para sa promotion ng kanyang bagong awiting, Iiwan Kita mula sa komposisyon ni Maestro Rey Valera.
Ilang araw na mananatili sa bansa si Jos para lumibot sa iba’t ibang radio stations at tv shows para mai-promote ang Iiwan Kita.
Naka-base sa Japan si Jos at nagpe-perform sa mga 5 star hotel sa Japan at ngayon lang nagkaroon ng bakante kaya naman agad-agad na lumipad ng Pilipinas para makapag-promote.
Ang kantang Iiwan Kita ay available na sa lahat ng digital streaming platforms, habang ang music video nito ay mapapanood sa kanyang Youtube Channel, na Jos Garcia.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com