MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI na talaga maaawat ang pagsikat ng Kapuso teen actor at tinaguriang Nation’s Son na si Will Ashley dahil sunod-sunod ang proyektong ginagawa nito ngayon.
Isa na ang Star Cinema, GMA Pictures, at Regal Entertainment present movie na Love You So Bad na pagbibidahan nila ng mga co ec-PBB Collab housemates na sina Dustin Yu at Bianca De Vera.
Ang pelikula ay ididorehe ni Mae Cruz-Alviar at isinulat ni Crystal Hazel San Miguel.
Bukod pa riyan ang pelikulang Bar Boys 2 at ang nalalapit nitong concert sa New Frontier Theater sa Oct. 18 at sandamakmak na endorsement.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com