MATABIL
ni John Fontanilla
MAGKAKAROON ng fan meet at concert ang tambalang MhaLyn o sina Mhack at Analeng na sikat na sikat sa social media.
Magaganap ang fan meet at concert sa Viva Cafe, Araneta City, Cubao sa Sept. 30 at Oct. 1.
Espesyal na panauhin ng mga ito ang boy group na MagicVoyz, Sherwina & Jovan David, Miia Bella, Megan Marie, Karen Lopez, Margaret Sison, Paula Santos, Julienne Richards, hosted by Vhize Caramel at Super Bheklai.
Ngayon pa lang ay almost sold out na ang two days fan meet at concert ng MhaLyn at kaunting tickets na lang ang natitira. Kaya naman sa mga wala pang ticket bili na at baka maubusan.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com