Thursday , January 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paulo Avelino Kim Chiu ContentAsia Awards

Paulo, Kim wagi sa ContentAsia 2025 Viewers’ Choice Awards

KINILALANG muli ang galing ng Pinoy, ito’y sa katatapos na ContentAsia 2025 Viewers’ Choice Awards sa Taipei, Taiwan noong September 4.

Itinanghal na Favorite Actor at Favorite Actress sa ContentAsia Awards 2025 sina Paulo Avelino at Kim Chiu.

Kasama ni Kim sa spotlight bilang Favorite Actress sina Rachanun Mahawan ng Thailand, Jesseca Liung Singapore, at Arabella Ellen ng Malaysia.

Si Paulo naman ay kahanay ng mga Favorite Actor ding sina James Seah ng Singapore, Panitan “Mickey” Budkaew ng Thailand, Oka Antara ng Indonesia, at Everetts Gomes ng Malaysia.

Pumatok ang tambalang KimPau sa 2023 hit series na Linlang na sinundan ng pelikulang My Love Will Make You Disappear. 

Nominado rin si Kim sa ContentAsia Awards noong nakaraang taon para sa kanyang role sa Linlang. Dito rin sa proyektong ito kapwa nominado ang dalawa sa Seoul International Drama Awards na naiuwi ni Kim ang tropeo.

Hinirang ding Silver Champion for Best Actress in a Series sa TAG Awards Chicago si Kim.

Muling mapapanood ang tambalang KimPau sa  romance-suspense seris na The Alibi. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ruru Madrid

Ruru ‘di man best year ang 2025 maituturing namang meaningful

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG 2026 ay puno ng pasasalamat at pag-asa sa bagong taon …

Jacqui Cara DJ Jhai Ho Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho ‘di big deal matawag na sir o ma’am: Iginagalang ka pa rin naman

RATED Rni Rommel Gonzales CONTROVERSIAL issue ngayon ang pagtawag ng “Ma’am” at “Sir” sa mga …

Dustin Yu Bianca De Vera Kinakabahan Lily

Dustin may inamin sa kanila ni Bianca

MA at PAni Rommel Placente SA isang interview ni Dustin Yu, tinanong siya kung sino ang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel hinulaang magkaka-baby at ikakasal ngayong 2026

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING tatay na ba si Daniel Padilla kahit wala pa siyang asawa? …

John Fontanilla Oriña Family Reunion

Reunion ng Fontanilla at Oriña Family matagumpay 

MATABILni John Fontanilla MASAYA at punompuno ng buhay ang naganap na family reunion ng Fontanilla & Oriña last December …