Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ejay Fontanilla Bulong ng Laman

Ejay Fontanilla naka-focus as content creator, masayang naging bahagi ng ‘Bulong ng Laman’ 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

HAPPY si Ejay Fontanilla na kabilang siya sa cast ng pelikulang ‘Bulong ng Laman’. Maganda raw ang timing ng pelikula sa pagpasok ng bagong buwan ng September.

Aniya, “Perfect din ang pasok ng September sa akin, kasi kaka-premiere lang ng movie na Bulong Ng Laman na kasama ako roon.

“Ang role ko rito is si Eric-a (jolly character), wholesome ako rito and I am so happy kasi ipinagkatiwala sa akin ni Direk Roman (Perez Jr.) at Direk Ring ang role na ito sa akin. Also kay Direk Tootoots (Leyesa), he said na sobrang perfect daw sa akin ang role na Eric-a. Kasi, akong-ako raw iyon talaga,” nakangiting esplika ni Ejay.

Dagdag pa niya, “Before ay Tocador ang title nito, pero siguro working title lang iyon… kaya siguro pinalitan ng title para mas catchy and dahil na rin sa mga lead VMX Girls dito.”

Tampok sa Bulong Ng Laman sina Divine Villareal, Aiko Garcia, Lian Rosales, Marco Mora, at Mhack Morales. 

Nagpahinga ba siya sa paggawa ng movies?

“Siguro ganoon na nga, kasi physically, I’m not fit. Feeling ko ang taba- taba ko, wala akong diet. Nag-focus ako sa paggawa ng mga content since I’m a content creator talaga. And biglang dumating ang Bulong ng Laman. na na-cast ako one day bago ang shoot. So, feeling ko ang taba ko…

“For now, focus ako as content creator. And work-out everyday para kapag may biglaang projects, ready ako kahit paano,” sambit pa ni Ejay.

Pahabol niya, “September is my birth month and I plan to feed street kids and stray cats/dogs as a campaign for my birthday this year.”

Parang advocacy ba niya ito o every birthday lang? “Actually, every birthday, giveaways lagi sa social media lang. Pero this year, parang feel ko lang na mamigay ng food sa mga street kids and stray cats and dogs.

“Sobrang malapit kasi ako sa mga pusa at aso. Naaawa ako ‘pag may makita akong stray cats, kasi nafi-feel ko ang gutom nila.”

May alaga ba siyang pets? “Yes, two lang talaga ang alaga ko. Isang Shih Tzu (Muffins) at isang cat (Jasmine) na in-adopt ko lang ang pusa.

“Nanghingi ako ng sign if may lalapit sa akin na pusa, na kapag sumipol ako akin na siya. And ayun, wala pang three minutes ay may pumasok sa door ng unit ko. At ayun inalagaan ko na siya. Ako na ang nagrereklamo sa sobrang bait at sweet niya. Mag-a-one year na rin siya sa akin.”

Ano ang kanyang birthday wish? “Hmm, simple lang naman, maging healthy palagi and more blessings na puwede ko pong i-share sa iba,” wika pa ni Ejay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …