MATABIL
ni John Fontanilla
MAGANDA at talented ang bagong artist ng Viva na si Amber Venaglia na mahusay umarte, umawit, at sumayaw.
Kapipirma lang ng batang actress sa Viva at maraming plano ang kanyang home studio sa mga darating na buwan.
Idolo ni Amber sina Daniel Padilla at Kathryn Bernado na aniya ay parehong mahusay umarte at pangarap makatrabaho.
Ayon pa kay Amber, “I like Daniel Padilla because he has so many talent and I
wish I could work with him someday.
“I also like Kathryn Bernardo because she is a great actress. She can express many emotions.”
Habang sina Jenna Ortega na sumikat bilang si Wednesday ng Adams Family at Adam Sandlee ang mga Hollywood stars na iniidolo niya.
“I also like Jenna Ortega because she played many roles and played them well.
“What makes her different is that she mostly playes morbid roles to perfection.
“And also, Adam Sandler, because no matter what movie he acts in, he always adds in his own humor, making the film fun and interactive.”
Bata pa man si Amber ay kumakanta at sumasayaw na sa iba’t ibang events sa Amerika kasama ang kanyang very supportive mother.
Kaya ngayong teenager na siya, 13, ay gusto nitong subukan ang local showbiz.
Wish nga nito na makasama sa teleserye at makagawa ng maraming pelikula in the future at makasama sina Daniel at Kathryn at iba pang sikat na celebrity sa bansa.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com