MATABIL
ni John Fontanilla
IDINOKOMENTO ni Lovi Poe ang journey ng kanyang pagbubuntis sa first baby nila ng asawang isang English film producer, si Montgomery Blencowe sa kanyang Instagram na pinusuan ng netizens.
Ibinahagi ng aktres ang isang video na captured ang paglaki ng tiyan.
Una nitong ini-reveal ang pagbubuntis sa campaign ng Bench, ang Love your Body na kita sa larawan ang malaki niyang tiyan.
Kasabay ang mga larawan na nagpapakita ng iba pang activities na ginagawa nito habang buntis.
Marami na ngang mga tagahanga ni Lovi ang nag-aabang ng pagdating ng first baby nito.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com